BONGBONG MULING NANGUNA SA ONLINE SURVEY NG MANILA BULLETIN
- Published on November 26, 2021
- by @peoplesbalita
MULI na namang nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa online survey gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform ng pahayagang Manila Bulletin na isinagawa nitong Nobyembre 19 hanggang 21.
Ayon sa opisyal na resulta na ipinalabas ng naturang pahayagan, lumamang ng malaki si Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sa Facebook at Manila Bulletin website survey, na nakakuha ng 53.4 porsyento at 55.4 porsyento, ayon sa pagkakasunod.
Nasa malayong pangalawa lamang si presidential aspirant Vice President Leni Robredo na mayroong 19.8 porsyento sa Facebook at 34.9 porsyento sa website ng Manila Bulletin. Pangatlo si presidential aspirant Isko Moreno na mayroong 22.7 porsyento sa Facebook at 3.6 porsyento sa website.
Pang-apat sa Facebook poll si presidential aspirant Senator Bong Go na mayroong 3.2 porsyento na boto habang pang-lima naman si presidential aspirant Leody de Guzman na mayroong 0.4 porsyento; pang-anim si presidential aspirant Senator Panfilo Lacson na nakapagtala ng 0.3 porsyento at pang-pito si presidential aspirant Manny Pacquiao na mayroong 0.2 porsyento.
Pang-apat naman sa website ng Manila Bulletin si Go na may 3,2 porsyento; panglima si Lacson na nakakuha ng 1.6 porsyento; sunod si Pacquiao na may 0.7 porsyento; habang panghuli si De Guzman na may 0.6 porsyento.
Bahagya lamang nakaungos si Robredo sa Twitter poll na nakakuha ng 49 porsyento habang sa hindi kalayuan si Bongbong na mayroong 41 porsyento; pangatlo si De Guzman na may 5 porsyento; tabla sa pang-apat sina Lacson at Go na kapwa may 2 porsyento; tabla naman sa pang-lima sina Moreno at Pacquiao na kapwa may 1 porsyento.
Ayon sa Manila Bulletin, may pinakamaraming respondents sa Facebook survey na umabot sa mahigit 671, 000 na respondents. Umabot naman sa 15, 669 respondents sa kanilang website survey at 101, 248 respondents sa Twitter poll.
Kasama sa requirement sa pagboto ang Gmail address ng bawat respondent at isang beses lamang sila pinapayagang lumahok sa pagboto.
Matatandaan na si Marcos kasama ang kanyang katambal na si vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte ay kapwa nangunguna ng malaki sa kalahat ng kanilang mga kalaban sa mga pinakahuling survey sa bansa.
-
Big-time oil price hike, umarangkada na naman
SIMULA alas-6 ng umaga, Martes (August 30) ay ipinatupad ng mga gasoline stations ang taas presyo sa kanilang produktong petrolyo. Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., ay magkakaroon sila ng pagtataas sa presyo ng oil products dahil sa paggalaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa World market. […]
-
PAGTANGGAP NG RED HAT NI CARDINAL ADVINCULA, IPINAGPALIBAN
NAIPAGPALIBAN sa susunod na buwan ang pagtanggap ng biretta ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na ipinagpaliban ang pagtanggap nito ng biretta sa susunod na buwan. Sinabi ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas na itinakda na sa Hunyo 8, 2021 ang ‘bestowal of red hat’ matapos na sumailalim sa 14-day mandatory […]
-
LGUs tumulong sa NCSC sa pagkumpleto ng 12-M senior citizens database
UMAPELA ang isang mambabatas sa mga local government unit (LGU) executives na suportahan anggobyerno sa patuloy na pagsusumikap na magkaroon ng maaayos at tamang database sa tinatayang 12.3 milyong seniors sa buong bansa. Ayon kay CamSur Rep. LRay Villafuerte, napapanahon ang ginagawang national listing o cataloguing ng mga senior citizens dala na rin […]