• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

40,000 KAPSULA NG ANTI COVID, NAI-DELIVER NA SA MAYNILA

NATANGGAP na ng pamahalaang lungsod ng Manila ang 40,000 kapsula ng anti-Covid drug na Molnupiravir.

 

Ang nasabing gamot para sa COVID-19 ay idiniliber sa Sta.Ana Hospital kung saan mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Aksyon Demokratiko Presidential aspirant ang nanguna sa symbolic turn-over  ng ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila Covid 19 Field Hospital sa Luneta noong Martes ng umaga.

 

Sinasabing 50 porsyentong nakagagamot ng COVID-19 ang Molnupiravir.

 

“We should always be ahead of Covid infections. We were the first to purchase Remdesivir and Tocilizumab. And now this wonder drug Molnupiravir, tayo rin ang naunang bumili. I will continue to listen to science. I always listen to Doc Willie Ong when it comes to anti-covid drugs,”pahayag ni Domagoso

 

Sinabi ni Domagoso na marami na ang matutulungan ang 400,000 capsules ng naturang anti-Covid drug kung saan mismong si Doc Willie Wong na kanyang runningmate ang siyang nagrekomenda nito.

 

Ang Molnupiravir (Molnarz) ay available na sa bansa  matapos bigyan ng Compassionate Special Permit (CSP) ng Philippine Food and Drug Administration. GENE ADSUARA

Other News
  • Disney+ Celebrates ‘Black Widow’ Release With Solo MCU Movie Posters

    IN honor of Scarlett Johansson’s lengthy tenure with Marvel Studios and in celebration of the release of Black Widow—the first MCU movie in over two years—Disney+ (via Reddit user Samoht99) has changed the main posters for seven key films in the universe.     Every film in which Natasha Romanoff appears now displays a solo poster of […]

  • Espiritu aminadong umaalingasaw trade

    INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.   Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga […]

  • Ads November 17, 2021