• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GSIS, hinikayat ang mga pensioner na gawing online ang transaksyon sa ahensya

NANAWAGAN ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga pensiyonado ngayong panahong ng pandemya.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni GSIS VisMin Operations Group Vice President Vilma Fuentes, na layon ng kanilang panawagan na himukin ang lahat ng mga pensyonado na gawing online ang kanilang mga transaksiyon, gaya ng Annual Pensioners Information Revalidation o APIR.

 

Kabilang na rin aniya dito ang application for commencement of pension o pagsisimula ng pensiyon.

 

Hinikayat din ni Fuentes ang lahat ng GSIS pensioners na gawin ng online ang kanilang transaksyon para sa pag-a-aplay ng mga available loans na inaalok ng ahensya para sa mga kwalipikadong pensyonado.

 

Aniya, hinihikayat nila ang mga GSIS  pensioner na tugunan at bigyang halaga ang pakikipagtransakayon online upang maging ligtas sa banta ng kalusugan at para makaiwas sa mapanganib na COVID-19.

Other News
  • Kaya naghahanda sa kanyang future plans: RAYVER, nakikitang si JULIE ANNE na ang makakasama habang-buhay

    MARAMI nga ang kinilig sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, March 16 dahil sa JulieVer.   Guests nga ni King of Talk Boy Abunda sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Isang two-in-one Fast Talk ang nangyari na kung saan salitan silang sumagot sa mga tanong tungkol sa isa’t-isa.   Isa sa […]

  • Ads November 27, 2021

  • Mambabatas, itinutulak ang unemployment insurance kaysa ayuda

    IPINANUKALA ngayon ni Albay Representative Joey Salceda ang pagkakaroon ng mga manggagawa ng unemployment insurance.     Ito ay imbes na mamamahagi ang pamahalaan ng ayuda para sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa bansa.     Punto ng ekonomistang mambabatas na ang pagtaas ng unemployment rate sa 6 percent na naitala sa buwan ng […]