• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JOHN LLOYD, hindi ikinaila na masaya siya sa pagpapakasal nina DEREK at ELLEN; nag-taping na kanyang sitcom sa GMA

THANKFUL si Ms. Jessica Soho na pumayag ang new Kapuso leading man na si John Lloyd Cruz na pumunta sila sa El Nido, Palawan para sa exclusive interview niya para Kapuso Mo, Jessica Soho.

 

 

Sinagot ni Lloydie ang tanong ni Jessica why he took a long break from showbiz at naglagi sa El Nido?

 

 

      “It was the right time to be kind to myself, to start some healing.  It was the right time to start the journey of unlearning,” sagot ni Lloydie.

 

 

“Before that kasi, more than two decades akong kayod nang kayod, non-stop.  Then I found myself on the beautiful island of El Nido.

 

 

      “Nang una akong mag-stay doon, parang natulala ako sa paligid ko.  Gusto ko lamang tumahimik noon, kaya iyon ang reason kung bakit gusto kong bumalik nang bumalik doon.”

 

 

Kaya hindi kataka-taka kung bumili na ng lugar niya sa El Nido si Lloydie, kita naman ang saya niya habang binibigyan siya ng instructions ni Jessica sa mga ipinagawa niya para sa show.

 

 

Hindi rin naman ikinaila ni Lloydie na masaya siya sa katatapos na wedding ng dating girlfriend at ina ng anak niyang si Elias, si Ellen Adarna kay Derek Ramsay. 

 

 

May mga videos ding ipinakita ang show kung gaano kasaya sina Lloydie at Elias kung magkasama sila sa El Nido.

 

 

Last November 22, nag-post na si Lloydie ng photos na nagsimula na silang mag-taping ng sitcom na Happy To Get Her for GMA, kasama sina Carmi Martin at Miles Ocampo.

 

 

Directed by Edgar Mortiz, at sino kaya ang magiging leading lady ni Lloydie?

 

 

***

 

 

NOONG November 15, nagsimula nang mapanood sa GMA Primetime ang I Left My Heart in  Sorsogon, at naging very supportive husband si Sorsogon City Governor Chiz Escudero sa actress-wife niyang si Heart Evangelista.

 

 

Matapos makatanggap ng favorable comments ang romantic series mula sa mga viewers, na-excite silang muling mapanood ang actress sa TV.

 

 

Bukod sa tweets ni Gov. Chiz kung gaano ka-successful ang show, nag-set-up pala siya ng special screening in the provincial capitol na pinanood ng kanilang mga employees and their family members na nagpasalamat din sa effort ng GMA para ipakita ang mga most scenic places sa kanilang province.

 

 

Natuwa rin sila na makita nila nang personal ang mga co-stars ni Heart na sina Richard Yap, Paolo Contis, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi at iba pang members ng cast, habang naka-lock-in taping sila noon.

 

 

Nagpasalamat din si Heart sa mga viewers, “hopefully, we can encourage local and foreign tourists to visit Sorsogon and it’s beautiful places now that restrictions for traveling are being slowly lifted, para makatulong din tayo sa kabuhayan natin doon. 

 

 

Kaya sana ay patuloy ninyo kaming panoorin gabi-gabi, after ng “24 Oras” sa GMA-7.  Maraming salamat po.”

 

 

***

 

 

MARAMI nang nai-excite malaman kung anu-ano ang mangyayari sa pagbabalik ng The World Between Us pagkatapos ng season break nila.

 

 

Nag-balik-tanaw muna ng mga eksena sa simula ng story hanggang sa kung ano ang iniwan nila.  Magiging masaya na ba sina Louie (Alden Richards) at Lia (Jasmine Curtis-Smith) dahil tinanggap na rin ni Rachel (Dina Bonnevie) ang relasyon nilang dalawa?

 

 

Pero hindi kina Brian (Tom Rodriguez) at Eric (Sid Lucero) na malaki ang inggit at galit kay Louie.  Paano tatanggapin ni Rachel ang kasalanan ni Yachie (Jaclyn Jose) na siya palang tunay na ina ni Brian, at dating kalaguyo ng asawa niya?

 

 

Subaybayan natin ang mga susunod na mangyayari sa The World Between Us gabi-gabi, after ng I Left My Heart in Sorsogon, sa GMA-7.

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pagpapawalang bisa sa minor moratorium kinondena ng Obispo

    Kinondena ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang pagpapatigil ng pamahalaan sa siyam na taong moratoryo sa pagmimina.     Ayon kay Bishop Pabillo, hindi naaangkop ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil lalo lamang itong magpapalala sa iba’t ibang kaganapang nangyayari sa ating kapaligiran.     Dagdag pa ng Obispo na maaaring […]

  • PBBM, binigyang direktiba ang lahat ng ahensiya ng pamahalan at LGUs

    IPINALABAS ngayon ng Palasyo ng Malakanyang ang Memorandum Circular No. 26, nagpapatibay sa Philippine Health Facility Development Plan (PHFDP) 2020-2040, binigyang direktiba at hinikayat ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at Local Government Units (LGUs)  na suportahan ang  inisyatiba sa pamamagitan ng pagtatayo ng health facilities para sa kanilang nasasakupan.     “The PHFDP 2020-2040, […]

  • BEAUTY, pinatunayan na tama ang pagtanggap ng GMA-7 sa kanyang paglipat; bumagay rin kay KELVIN

    DALAWANG teleserye na ng GMA Network ang nalalapit nang magtapos.      Ang GMA Afternoon Prime drama na Nagbabagang Luha na nasa last three weeks na lamang, pero ang mga netizens, gustung-gusto nang malaman kung paano mapapatunayan ni Alex (Rayver Cruz) ang mga kasalanang ginawa sa kanya ng obsessed sister-in-law niyang si Cielo (Claire Castro) […]