• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD GAWING SIMPLE at ISA LANG PARA sa LAHAT NANG MAIWASAN NA MALITO ng TAO

Marami na sanang natuwa nang inanunsyo ng Malacañang na hindi na mandatory ang pagsuot ng face shield. Rekomendasyon din ito ng IATF at Metro Manila Mayors sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 to 3.

 

 

 

Sa public transport ay hindi na rin requirement ang face shield para makasakay ang pasahero ayon sa DOTr.   Pero may bagong tono ang acting spokesperson na si Karlo Nograles na ang IATF Resolution 149 ay may nakaakibat na na “without prejudice to employers still requiring its use for customers and employees”. Ibig sabihin ay – Ok hindi na required ng gobyerno ang faceshield, pero pwede pa rin ire-quire ng mga nay ari ng mga business establishment!

 

 

 

Abay parang wala rin!  Paano malalaman ng tao na sa pupuntahan nilang establishmento ay required ang face shield o hindi. Kaya para sigurado ay magsusuot na rin sila!  At paano sa public transport kung ang operator naman ay mag require sa pasahero nila na dapat naka face shield ang sakay nila.  At sa mga LGU na may face shield na ordinansa tulad sa Quezon City na nagpapataw ng multa at kulong sa hindi tamang pagsuot ng face shield? Malaking kalituhan sa hulihan! Bakit hindi ba pwede simple lang na voluntary na ang pagsuot bg face shields sa mga lugar sa ilalim ng Alert level 1 to 3 maliban sa mga hospital at health facilities PERIOD!

 

 

 

Bakit binigyan pa ng diskresyon ang may ari ng mga establishmento. Kung ganun rin lang para sigurado ay mag face shield na lang para hindi ka maabala!

 

 

 

Ano ba talaga ang hiwaga sa face shield na yan at hindi magkaroon ng malinaw na polisiya na wala ng “depende pa ” sa mayari ng establishmento.

 

 

 

Pagkaganito na pabagubago ang polisiya sa pagsuot ng face shield ay paalala lang ito sa tao na itong face shield ang simbolo ng korupsyon sa panahon ng pandemya. (Atty. Ariel Enrile – Inton)

Other News
  • Base sa ikinikilos ng Kapuso aktres: BEA, walang dudang sila na uli ni DOMINIC ‘di lang inaamin

    HINDI naniniwala ang source namin na hindi nagkabalikan sina Bea Alonzo at Dominic Roque.    Ayon pa sa kanya, kilalang-kilala raw niya si Bea dahil matagal na rin daw naman siyang malapit sa aktres nang mga panahon alaga pa ng Kapamilya ito.   Sa mga kınıkilos daw ngayon ni Bea ay walang dudang sila na […]

  • Kinapos ng budget ang movie na sinu-shoot sa New York: KC, nangangalampag sa followers na tulungan silang matapos ang ‘Asian Persuasion’

    NANGANGALAMPAG si KC Concepcion sa kanyang followers sa social media na tulungan sila na matapos ang pelikulang kinabibilangan niya na Asian Persuasion sa Amerika.       Sa kanyang post sa Instagram, pinaalam niya na kinapos ng budget ang production ng pelikula na sinu-shoot sa New York ng direktor na so Jhett Tolentino.     […]

  • EMERGENCY HIRING PROGRAM NG DOH, INISNAB

    MISTULANG inisnab ng mga aplikante  ang inaalok na emergency hiring program ng pamahalaan para maging “augmentation” ng mga frontliners sa paglaban sa COVID19 pandemic. Ayon kay Health Usec Ma.Rosario Vergeire sa ginanap na virtual briefing, sa kabila ng may bakante at pondo pero hindi umano  kinagat ito ng mga aplikante. “Unfortunately,hirap na hirap na kami,kasi […]