• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EMERGENCY HIRING PROGRAM NG DOH, INISNAB

MISTULANG inisnab ng mga aplikante  ang inaalok na emergency hiring program ng pamahalaan para maging “augmentation” ng mga frontliners sa paglaban sa COVID19 pandemic.

Ayon kay Health Usec Ma.Rosario Vergeire sa ginanap na virtual briefing, sa kabila ng may bakante at pondo pero hindi umano  kinagat ito ng mga aplikante.

“Unfortunately,hirap na hirap na kami,kasi ang daming position ,may pera na ibinigay ang Bayanihan Fund,kaya lang walang takers,walang masyadong kumukuha ng slots na.meron tayo,”ayon kay Vergeire,”.

Ayon kay Vergeire,noong una silang nagpalabas ng volunteers and emergency hiring marami umano ang nag a-apply pero sa kasalukuyan ay pa konti-konti na lang.

“Kung ilalagay natin yan sa graph,pataas dati ngayon nagpa-plateu na siya,”dagdag pa ni Vergeire.

Nabatid na pinag-uusapan na ngayon sa DOH,ang susunod na hakbang na gagawin para mapigil ang transmisyon ng virus. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 3 players ng NBA champ Warriors na sina Payton, Porter at Anderson pinakawalan sa free agency

    ILANG linggo pa lamang ang nakakalipas matapos na magkampeon ang Golden State Warriors, nabulabog din ang kanilang team matapos na pakawalan ang tatlong players para sa free agency.     Pumayag kasi sina Gary Payton II na pumirma sa Portland Trail Blazers, si Otto Porter Jr. ay napunta naman sa Toronto Raptors, habang si Juan […]

  • Ads August 21, 2020

  • “Timing” ng pagbubunyag ng alegasyon ni Pacquiao, kinuwestiyon ng Malakanyang

    KINUWESTIYON ng Malakanyang ang “timing” ng alegasyon ni Senador Manny Pacquiao na mayroong korapsyon sa Department of Health (DOH) sa gitna ng COVID-19 pandemic.   “Sa akin po, absent po siguro si Senator Pacquiao nung nagprisinta ‘yung mga Cabinet secretaries, or kung hindi siya absent he may have been preoccupied with something else,” ayon kay […]