Mga recovered patients, partially vaccinated payagang kumain sa mga resto- NTF adviser Herbosa
- Published on November 27, 2021
- by @peoplesbalita
DAPAT ding payagang kumain sa mga restaurants ang mga indibidwal na naka-recover mula sa COVID-19 at iyong mga partially vaccinated dahil sa medical conditions.
Ito ang pahayag ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-ban ang mga unvaccinated individuals na pumasok sa mga restaurants at establisimyento dahil maaaring maka-kontamina ang mga ito sa iba.
“Kung ikaw ay nagka-COVID, na-ICU, kahit ikaw ay hindi ka vaccinated, may antibodies ka, so safe rin ako kasama yung mga ganoon. Ang third… yung mga hindi nabakunahan because may allergy sila,” ayon kay Herbosa sa Laging Handa briefing.
“So idadagdag ko ‘yun. Fully vaccinated, natural immunity sa dating inpeksyon, at those that cannot be vaccinated because of some medical condition,” dagdag na pahayag ni Herbosa.
Samantala, suportado naman ni Herbosa na payagan ang mga unvaccinated individuals sa “outdoors” para mapigilan ang pagkalat ng virus.
“I’m sure yang mga restaurant na yan ay nag offer ng al fresco or open air for the unvaccinated. So kung ang kanilang lugar ay closed lang, I think It is safe policy na i-allow lang yung mga vaccinated para may proteksyon yung mga kliente nila,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Labi ng OFW na walang habas na pinaslang sa Kuwait, nakarating na sa Pilipinas
NAGING emosyonal ang pamilya ng kababayan nating Overseas Filipino Worker sa Kuwait na si Jullebee Ranara nang ito ay makarating muli sa Pilipinas. Sa halip kasi na maging masaya ay pagluluksa ang kanilang gagawin ngayon matapos na masawi si Jullebee nang dahil sa karumal-dumal na sinapit nito sa kamay ng anak ng kaniyang […]
-
PBBM conducts aerial inspection, relief distribution in Bulacan
CITY OF MALOLOS – To further assess the situation of the Province of Bulacan following the onslaught of Typhoons Egay and Falcon, President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. conducted an aerial inspection over the province followed by a situational briefing in Balagtas Hall and disaster relief distribution for the affected Bulakenyos at The Pavilion in […]
-
AIRLINES PINAALALAHANAN, TANGING DOKUMENTADONG PASAHERO ANG ISASAKAY
NAGPAALALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga airlines na siguraduhin na tanging mga karapat-dapat na mga dayuhan ang papayagang sumakay sa kanila patungo sa Pilipinas Sinabi ni Morente na responsibilidad ng isang airlines na siguraduhin na ang mga karapat-dapat na mga dayuhan lamang ang pasasakayin at makapasok sa bansa […]