• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First appearance ni SHARON sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, inabangan at nasilayan na bilang Aurora

NOONG Biyernes, November 26, ang unang araw ng paglabas ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Si Sharon mismo ay nag-share ng teaser sa kanyang FB page kung saan ipinahayag niya na lalabas na siya sa highly-popular action series ni Coco Martin.

 

 

Ang ‘very special participation’ ni Sharon ay ang isa sa mga highlights sa ikaanim na taong anibersaryo ng FPJAP. Maganda tiyak ang role na ibinigay ng Dreamscape kay Sharon kaya napapayag nila ang megastar na mag-taping at gumawa ng isang teleserye.

 

 

First time na gagawa ni Sharon ng teleserye sa ABS-CBN, something that she hasn’t done in her entire career.

 

 

Marahil nami-miss na ni Mega ang pag-arte kaya ‘di ito nag-atubiling tanggapin ang alok ng Dreamscape Entertainment na makasama sa action series ng aktor at direktor.

 

 

Kanino kaya may kaugnayan si Sharon sa kwento ng FPJAP – kay Coco or kay Julia Montes?

 

 

Baka naman kay President Oscar Hidalgo (played by Rowell Santiago, one of Mega’s favorite leading man and a dear friend).

 

 

Tiyak na maraming Sharonians ang nag-abang para masilayan ang first appearance ni Sharon bilang Aurora sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

***

 

 

TULOY na tuloy na raw ang fluvial parade na idaraos ng mga festival entries this year.

 

 

Dahil kailangan pa rin ang social distancing because of the Covid 19 virus, pag-uusapan pa raw ng Execom ang pagdaraos ng isang fluvial parade in lieu of the traditional parade of stars ng MMFF entries every year.

 

 

Last year ay virtual ang parade, pati ang awards night. Pero this year ay sa Pasig River rarampa ang 8 competing entries sa MMFF.

 

 

From Pasig ay daraan ang fluvial parade sa Mandaluyong, Makati at magtatapos sa Maynila.

 

 

Paano kaya mag-aabang ang mga fans sa mga artista kung nasa Pasig River ang sentro ng parade?

 

 

Well, bahala ang Execom ng MMFF, headed by Benjur Abalos, sa panukala nilang ito.

 

 

We are sure gagawa sila ng paraan para maengganyo ang mga tao to go out para saksihan ng ang fluvial parade.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Robredo, Moreno walang kuwestiyon sa COC

    POSIBLENG  anumang oras ngayon ay maiproklama na sina presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bagong pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.     Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na dahil sa manifestation ng mga abogado nina Vice President Leni Robredo […]

  • Oil price hike sa gasoline nasa ika-4th week na, habang nasa ika-5th week naman sa diesel at kerosene

    NASA  ikaapat na linggo na ang pagtataas ng presyo ng gasolina habang ito naman ang ikalimang linggo ng price adjustment ng sunud-sunod sa presyo ng diesel at kerosene.     Muling magpapatupad ng panibagong umento sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa kung saan umaabot na sa halos P100 […]

  • Wrestling icon na si “Undertaker” nagretiro

    Pormal nang namaalam sa WWE ang sikat na wrestler na si “Undertaker” o Mark Calaway sa totoong buhay matapos ang makulay na career nito sa loob ng 30 taon. Ginawa ang kanyang pamamaalam sa isang ceremony sa Survivor Series ng WWE. Nagbigay tribute ang ilang wrestlers sa pangunguna ng tinaguriang kapatid nito na si Kane […]