Wrestling icon na si “Undertaker” nagretiro
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
Pormal nang namaalam sa WWE ang sikat na wrestler na si “Undertaker” o Mark Calaway sa totoong buhay matapos ang makulay na career nito sa loob ng 30 taon.
Ginawa ang kanyang pamamaalam sa isang ceremony sa Survivor Series ng WWE.
Nagbigay tribute ang ilang wrestlers sa pangunguna ng tinaguriang kapatid nito na si Kane sa ginawang seremonya.
Noong Hunyo ay inanunsyo na ni “Undertaker” ang pagreretiro matapos ipalalabas ang kanyang documentary na “Undertaker, The Last Ride.”
Matatandaang huling lumaban ito noong tinalo niya sa WrestleMania 36 si AJ Styles sa laban sa isang bakanteng puntod.
Gamit ang kani-kanilang social media, ipinarating ng ilang wrestler ang kanilang kalungkutan sa pagreretiro ni “Undertaker.”
Nag-post sina John Cena, Triple H at iba pa ng mga larawan na kasama ang sikat na wrestler.
-
Bello kay Duterte: Ibaba na ang quarantine status, mga manggagawa hirap na
Pinangangambahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang muling pagdami pa ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng bansa. Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na noong unang linggo ng ECQ ay mahigit 8,300 manggagawa ang naapektuhan ang trabaho sa NCR […]
-
Pagbisita ni US VP Kamala Harris sa bansa, lalong magpapatatag sa Phil-US relations – Speaker Romualdez
NANINIWALA si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang lalakas ang relasyon ng Amerika at Pilipinas sa pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris. Ayon kay Speaker, patunay din ito sa matagal nang alyansa at pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos kabilang na ang commitment ng US sa pagdepensa sa Pilipinas. […]
-
NCCA’s Eksena Cinema Quarantine Films’ Now Streaming Worldwide
ECQ: Eksena Cinema Quarantine (COVID-19 Filmmakers’ Diaries), a project under the National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Cinema (NCCA-NCC), in cooperation with University of St. La Salle- Artists’ Hub. Featuring sixteen filmmakers namely Adjani Arumpac, Hiyas Baldemor Bagabaldo, Arbi Barbarona, Glenn Barit, Carlo Enciso Catu, Zurich Chan, Arden Rod Condez, […]