• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Target sa vaccination drive, ibinaba sa 9 milyon

Ibinaba sa 9 na milyon ang target na mabakuna­han sa National Vaccination Days dahil sa kakulangan sa gamit partikular ng gagamiting karayom.

 

 

Nauna rito, itinakda sa 15 milyon ang target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Days na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

 

Nagkaroon ng pagbabago sa target matapos konsultahin ng National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center ang mga lokal na lider ng mga probinsiya, siyudad at munisipalidad kabilang ang resource management team.

 

 

Sinabi nina NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Presidential Adviser for COVID-19 Response at NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon sa isang joint statement na habang isinasapinal ang malawakang paghahanda para sa bakunahan sa 16 na rehiyon sa labas ng Metro Manila, ay may kakulangan sa suplay lalo ng hiringilya.

 

 

“As we are finali­zing the preparations for this massive movement across the 16 regions outside Metro Manila, there is currently a shor­tage in ancillary supplies, particularly syringes for the Pfizer-BioNTech vaccines and other logistical challenges,” nakasaad sa statement.

 

 

Ayon pa sa statement, na-delay ang nakatakdang shipment ng biniling sulpay sa pamamagitan ng UNICEF dahil sa nangyayaring global shortage.

 

 

Samantala, sinabi ng NTF at NVOC na muling magsasagawa ng tatlong araw na National Vaccination Days mula Disyembre 15-17 upang matupad ang target na 54 milyong Filipino na mababakunahan bago matapos ang taon. (Gene Adsuara)

Other News
  • Korte ibinasura ang kasong ‘indirect contempt’ vs De Lima, abogado

    IBINASURA na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang “indirect contempt” civil case laban sa nakakulong na si Sen. Leila de Lima at abogadong si Filibon Tacardon, bagay na isinampa dahil sa ilang pahayag sa media ng ikalawa.     Disyembre 2020 nang maghain ng kasong indirect contempt laban sa dalawa matapos sabihin ni […]

  • 4 na malalaking kumpanya interesado sa NAIA rehab

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na may apat (4) na kumpanya ang interesado sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     “So far, there was the Manila International Airport Consortium, that’s number one. There was San Miguel Corporation which also purchased bidding documents, and GMR. The fourth one, I have to confirm which […]

  • Ayaw makisawsaw sa gulo sa Myanmar

    WALANG balak makisawsaw ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na kaguluhan sa gobyerno ng Myanmar.   Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang magkasa ng kudeta ang militar laban kay Myanmar State Council Aung San Suu Kyi at ilan pang matataas na opisyal dahil sa “election fraud” o dayaan sa eleksyon.   Ani […]