• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, iginiit ang Asia-Europe partnership para sa mas malakas na socioeconomic recovery

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtutulungan ng Asya at Europa para sa inclusive socioeconomic recovery base sa prinsipyo ng “justice, fairness, and equality” upang matugunan ang hamon na bitbit ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

 

Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa Second Plenary Session ng 13th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa Malakanyang, araw ng Biyernes, Nobyembre 26.

 

Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang pagkagambala na dala ng COVID-19 pandemic sa vulnerable countries, binanggit din ng Pangulo ang salungat na pakinabang sa economic growth at poverty reduction habang ang nangyayaring recovery mula rito ay tila unequal o hindi pantay.

 

“COVID-19 has affected us all, but the recovery is unequal. This cannot be attributed only to lapses in domestic policy, but also to structural constraints in the global economy,” ayon sa Pangulo.

 

“We need more multilateral action to address these constraints. Our ultimate goal is to speed up more economic exchanges and people mobility in the new normal,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Dahil dito, muling nanawagan ang Pangulo para sa pagpapatuloy ng negosasyon ng Free Trade Agreement (FTA) kasama ang European Union (EU).

 

Ayon sa Pangulo, “robust economic relations between the Philippines and the EU will lift millions of Filipinos out of poverty.”

 

Hiniling naman nito sa regional bloc na bigyan ang mga Filipino ng “chance at a life of dignity.”

 

Hinikayat din ng Chief Executive ang ASEM partners na i- renew ang kanilang suporta para sa bukas at patas na trading system sa ilalim ng World Trade Organization (WTO).

 

Inulit din ng Pangulo na kahalagahan ng pagpapatuloy ng safe cross-border travel para buhayin ang ekonomiya.

 

Ipinanukala rin ng Pangulo na i- adopt ang scientific, non-discriminatory, at World Health Organization (WHO)-compliant framework ukol sa vaccine certificate recognition.

 

Muling nanawagan ang Pangulo para sa “equal vaccine access” at binigyang diin na ang geopolitics ay walang gampanin sa vaccine availability at supply.

 

Tinukoy din ng Pangulo na ang mga ASEM stakeholders ay kailangan na hindi lamang tumutok sa recovery kundi dapat ay ituon din ang pansin sa “preparedness and resiliency.”

 

Ang 13th ASEM Summit ay nag-adopt ng 3 outcome documents na kinabibilangan ng ASEM13 Chair’s Statement, Phnom Penh Statement on the Post-COVID-19 Socio-Economic Recovery, at Way Forward on ASEM Connectivity.

 

Itinatag noong 1996, ang ASEM ay isang informal platform para sa political dialogue at cooperation, kung saan ay pinagsama ang 53 partners. Kinabibilangan ito ng 51 partner countries at organizational partners, ang EU at ang ASEAN. (Daris Jose)

Other News
  • Nag-post ng madamdaming birthday message: SHARON, umaasa na isang araw ay muli silang magkakasama ni KC

    NAG-POST ng madamdaming mensahe si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang primera princesa na si KC Concepcion na nag-celebrate ng 37th birthday last April 7.     Kalakip sa kanyang IG post ang throwback back photos nila ni KC at video na mula sa concert niya na kung saan batam-bata pa ang anak nila ni […]

  • PBBM, nais ang regulated issuance ng protocol license plates

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang regulasyon o alituntunin ng pagpapalabas ng protocol license plates sa mga opisyal ng gobyerno dahil sa tumataas na reklamo sa “unauthorized usage.”     Nauna rito, nagpalabas ang Pangulo ng Executive Order (EO) No. 56, inamiyendahan ang EO No. 400 (s. 2005), na pinahihintulutan ang pagtatalaga at pagpapalabas […]

  • Willie Revillame, mamimigay ng P5-M sa mga jeepney drivers

    Ngayong linggo na umano matatanggap ng mga jeepney drivers ang tulong pinansyal na ipinangako ni Willie Revillame sa gitna ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic sa bansa.   Ayon sa 59-year-old TV host/actor, personal niyang ipapamahagi ang P5 million cash na paghahati-hatian ng mga tsuper ng jeepney.   Katunayan ay nagkausap na aniya ang mga abogado […]