• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron tiyak na makakapasok din sa Pinas – Duque

Nakakatiyak si Health Secretary Francisco Duque na makakapasok din ng Pilipinas ang Omicron variant ng COVID-19.

 

 

Pero sinabi ni Duque na hindi isyu kung makakapasok kundi kailan makakapasok.

 

 

Ginawa ni Duque ang pahayag matapos matanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung may posibilidad ba na makapasok sa bansa ang bagong variant na sinasabing mas mabilis makahawa.

 

 

“Yes, sir. It is a matter — it’s not a matter of ‘if,’ okay? It’s a matter of ‘when.’ So talagang iyan po, papasok ‘yan just as we have experienced with Alpha, Beta, Delta among the more compelling va­riants of concern, Mr. President,” paniniyak ni Duque.

 

 

Aminado ang Pa­ngulo na nakakabahala ang nasabing mutant at sana naman aniya ay malabanan pa rin ito ng bakuna.

 

 

“Talagang mutant lang so it would worry us if it is more easily to transmit and itong potency ng bakuna will it work against this Omicron? Sana naman,” ani Duterte.

 

 

Ang pinakamabuti anyang paraan para maiwasan ang Omicron ay ang nakagawian nang “hugas, mask, iwas.

 

 

“Alam mo actually it’s a mutant. The response is almost the same: hugas, mask, iwas,” ani Duterte.

 

 

Maaari rin aniyang gamitin ang face shield bilang karagdagang proteksiyon.

 

 

Kaya lubhang kaila­ngan aniya na paigtingin ang “Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration.”

 

 

Kailangan din aniya na maipaintindi sa mga mamamayan ang tatlong “major interventions” katulad ng pagsunod sa minimum public health standards; pataasin pa ang vaccination rate at ipagpatuloy ang pagpapatatag ng health systems capa­city bilang paghahanda sa “worst-case scenario.”

 

 

Dapat aniyang samantalahin na mababa pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 para paghandaan ang pagpasok ng Omicron variant. (Daris Jose)

Other News
  • Mga residential gatherings sa ilalim ng Alert level 3, hindi dapat daluhan

    DAPAT na maging ekslusibo na lamang para sa mga nakatira sa isang tahanan ang alinmang isasagawang gathering o pagtitipon at hindi na maaari pa ang pagtanggap ng bisita.     Ito ang inihayag ni IATF at Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa gitna ng ipinatutupad na mga restriksiyon sa kasalukuyan sa […]

  • Nakipagsabayan sa aktres at kay JC sa ‘366’: ZANJOE, bidang-bida sa pasadong first directorial movie ni BELA

    MAGPAPASIKLABAN sa husay ng acting sina Sylvia Sanchez at ang anak niyang si Ria Atayde sa bagong offering ng Dreamscape Entertainment na Miss Piggy.         If we are not mistaken, ito ang unang pagsasama sa isang teleserye ng mag-inang Sylvia at Ria, bagay na sobrang ikinatuwa ng premyadong aktres.     Kwento ni Sylvia, […]

  • 11 DRUG-CLEARED BARANGAY, PINARANGALAN NG QC LGU

    KINILALA at pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang labing isang drug-cleared barangay bilang pagsusulong ng isang drug-free city.     Ang mga barangay na ito ay ang Project 6, Sto. Cristo, Veterans Village, Batasan Hills, San Isidro Galas, Sto. Nino, Kamuning, Sikatuna, Malaya, Sta. Monica, at San Bartolome.     Sa kabuuan, […]