• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Private hospitals naghahanda na sa Omicron

Naghahanda na ­ngayon ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAP) sa posibleng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 na maaaring idulot ng Omicron variant.

 

 

Sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng PHAP, na tinitiyak nila ngayon na may sapat na suplay ng oxygen at bakanteng higaan ngayong labis na bumaba na ang mga aktibong kaso sa bansa.

 

 

“Handa po ang mga private hospitals kung magkaroon man ulit ng mga bagong surge o bagong cases ng COVID,” ayon kay De Grano.

 

 

Nasa 1,116 sa 1,291 health facilities sa bansa ang kasalukuyang nasa ‘safe level’ o mas mababa sa 60% ng kanilang kapasidad ang okupado. Higit sa 7,000 pasyente na may COVID ang kasalukuyang naka-admit sa mga pribadong pagamutan.

 

 

Nais din ng mga tagapamahala ng mga pribadong pagamutan na manatili sa Alert Level 2 ang bansa hanggang sa magtapos na ang taon.  Kasalukuyang epektibo ang Alert Level 2 hanggang Disyembre 15.

“Siguro ang pagbababa sa [Alertl] Level 1 hindi pa po dapat natin gawin right now,” giit ni De Grano. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pinsala, pagkalugi sa agri dahil kay Paeng, pumalo na sa P2.74 bilyong piso

    UMABOT na sa P2.74 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil kay Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).  Sinabi ng Department of Agriculture (DA), nakasaad sa data na ipinalabas ng  Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng departamento na P2.74 bilyong piso “as of 5 p.m.” araw ng Miyerkules, Nobyembre […]

  • Kaso ng dengue, leptospirosis tumataas – DOH

    KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na tumataas na ang mga bilang ng mga kaso ng leptospirosis at dengue sa bansa bunga ng pagsisimula ng tag-ulan at mga pagbaha.     Nakapagtala ang DOH ng 182 bagong kaso o 42% pagtaas mula Hun­yo 18-Hulyo 1, mula sa 128 na naitala sa nakalipas na dalawang linggo. […]

  • Gomez, Racasa pararangalan ng PSA

    PARARANGALAN sina Grandmaster John Paul Gomez at Antonella Berthe Racasa sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa Marso 6.   Naging matikas kasi sa larangan ng chess sina Gomez at Racasa sa katatapos lang na taong 2019 kaya swak sila sa okasyong magsisimula sa alas-6:00 nang gabi. […]