2 SOUTH KOREANS, INARESTO SA TELECOMMUNICATIONS FRAUD
- Published on December 4, 2021
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Koreans na wanted ng awtoridad sa kanilang bansa sa panloloko sa kanilang mga kababayan ng malaking halaga sa pamagitan ng telecommunications fraud.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Han Juyoung at Kim Sihun, kapwa 26-anyos na inaresto sa Taguig City ng mga element ng BI’s fugitive search unit (FSU).
Ayon pa kay Morente, sina Han at Kim ay agarang pauuwin sa South Korea para sa kanilang summary deportation order na inisyu ng BI board of commissioners noon pang nakaraang taon.
“As a result of the deportation order, their names are placed in our immigration blacklist, thus they are perpetually barred from re-entering the Philippines for being undesirable aliens,” ayon kay Morente.
Ayon naman kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, sina Han at Kim ay kasama sa red notices na inisyu ng Interpol sa lahat ng enforcement agencies.
Sinabi ni Sy na ang dalawa ay wanted sa panloloko sa kanilang mga biktima ng mahigit sa 29 million won, o US$25,000, sa pamagitan ng voice phishing operations kung saan nagpapakilala silang ahente ng isang financial institution na nag-aalok ng pagbabayad ng mababang patubo sa mga uutang.
Bukod pa dito, ang dalawa ay mga undocumented aliens na dahil kinasela na ng South Korean government ang kanilang pasaporte. GENE ADSUARA
-
NAVOTAS nakapasa sa DILG GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING
MULING nakapasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Good Financial Housekeeping (GFH) standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG). “This recognition is a testament to our commitment to transparent and honest utilization of public funds, ensuring that they are spent towards programs and services that contribute to the welfare of […]
-
Online, preferred mode para sa SIM card registration- DICT
SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na mas mabuting idaan sa online ang proseso ng SIM card registration. Giit ni Uy, mahirap ang physical registration dahil malaki ang posibilidad na dumagsa ang mga tao sa registration sites. “The preferred mode will be online po […]
-
Stick to the rule of law, iwasan ang karahasan sa Eleksyon 2022
NANANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na manatili lamang sa “rule of law” at iwasan ang karahasan sa 2022 national elections. Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte, matapos niyang pangunahan ang pagpapasinaya sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan town, ay sinabi nito na nais niya ang mapayapang eleksyon sa susunod na […]