• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RICH, binalita na nakagawa ng TVC sa Australia kasama ang kanyang mag-ama

MAY pagkakataon daw na natulala ang Kapuso actress na si Faith da Silva tuwing kaeksena niya si Albert Martinez sa teleserye na Las Hermanas.

 

 

Ilang beses daw siyang nate-take two dahil sobrang starstruck siya sa veteran actor.

 

 

“Yung experience na naalala ko nagba-buckle ako, pero it’s a learning experience for me kasi alam ko na the next time hindi na dapat. 

 

 

“Kasi naman si Albert Martinez yung kasama ko so kahit papaano na-starstruck pa rin ako. Kahit sino naman yata, matutulala kung kasama mo sa isang scene ang mahusay at nirerespetong aktor.

 

 

Binibigyan daw ng acting tips ni Albert si Faith para ‘di raw ito kabahan sa mga intimate scenes nila.

 

 

“Yes, binibigyan nya ako ng payo but more on how to handle the situation kasi marami kaming physical scenes.

 

 

“So sinisiguro din niya na hindi ako masasaktan and sa acting naman when I have questions for him willing sya tumulong.”

 

 

***

 

 

BINALITA ng Australia-based Kapuso actress na si Rich Asuncion na lumabas siya at ang kanyang pamilya sa isang TV commercial para sa Emergency Services Agency of the Australian Capital Territory or ACT.

 

 

Na-excite si Rich na gawin ang commercial dahil ngayon lang daw siya ulit humarap sa kamera at kasama pa niya ang kanyang mister na si Benjamin Mudie at ang daughter nilang si Isabella Brie.

 

 

Post ni Rich sa Instagram: “Out of all the opportunities Australia has offered me in entertainment, this one takes the cake. Its such a special moment to be doing a commercial, as a family and its even more special to share Bela’s on-screen debut with her. Its great to be back in front of the camera again. #buhayartista #MUDSQUAD”

 

 

Pinost ni Rich ang 58-second commercial sa kanyang IG at natuwa ang kanyang followers at ilang celebrity friends.

 

 

Best decision nga raw for Rich ang tumira na sa Australia noong nagkaroon bigla ng pandemic last year. Mas pinili raw niya ang tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya at talikuran pansamantala ang showbiz.

 

 

“Leaving everything behind to face all the uncertainties wasn’t an easy feat. Pero dahil kasama ang pamilya, mas naging matibay at matatag. Now, I can honestly say I am content and happy with this new life away from the limelight. A new career, new adventures, new hope!” sey ni Rich.

 

 

Bukod sa nagtrabaho siya bilang waitress, nag-enroll siya sa isang online class para makuha niya ang degree in Early Childhood Education and Care.

 

 

“Part pa rin naman siya ng Tourism course na kinuha ko sa U.P. at wala akong karapatan mag-inarte kasi nabigyan ako ng panibagong chance to start anew. To be able to survive through this is already a blessing. As hard as it may seem, look for the silver lining. Hold on, and say, ‘I am still a champion.’” sey ni Rich na kasalukuyang buntis sa second baby nila ni Benjamin.

 

 

***

 

 

PROUD na pinakilala na ng former NSYNC member na si Lance Bass ang 6-week old twins nila ng partner niyang si Michael Turchin.

 

 

Pinost ni Bass via Instagram ang twin babies nila na sina Violet Betty and Alexander James.

 

 

“Violet Betty giving the judging looks and Alexander James just trying to get it all in focus. #GayDads,” caption pa ni Bass.

 

 

Last week, pinakilala ni Bass ang twins niya sa NSYNC bandmates niya na sina Joey Fatone at Chris Kirkpatrick, na may kanya-kanya na ring mga pamilya.

 

 

Kinarga nila Fatone at Kirkpatrick ang twins ni Bass at nilagyan niya ng caption na “Two of the best dads I know” sa IG post niya.

 

 

Sinilang ng surrogate nila Bass at Turchin ang kanilang twins noong nakaraang October 13.

 

 

Inamin ni Bass na noong mauwi na nila ang twins, nagsimula na ang pagiging parents nila ni Michael.

 

 

“Haven’t slept much in 5 days and I’m covered in ick but I’ve never been so happy! Now there are four of us in this house that wear diapers!” pagbiro pa ni Bass.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBBM, hiningi ang kooperasyon ng South Korea sa renewable energy

    HININGI ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang kooperasyon ng Republic of Korea (ROK) sa renewable energy sources.     Sa kanyang naging interbensyon sa   23rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Summit, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang kapwa lider na bahagi ng  paglunas sa kapaligiran  “is lessening the dependence on fossil […]

  • SEA Games hosting ng Pilipinas pinuri ng foreign sports officials

    Inaasahan ng mga foreign sports officials na mapapakinabangan nang husto ng mga Filipino athletes ang “state-of-the-art” na New Clark City sa Capas, Tarlac.   Ang nasabing venue ang ginamit sa matagum­pay na pamamahala ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games noong Dis­yembre kung saan hinirang na overall champion ang Team Philippines.   Pinuri ni Ibrahim […]

  • 1.1 milyong passport slots hanggang Disyembre, binuksan

    NAGBUKAS  ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas maraming passport appointment slots simula ngayong linggo hanggang Disyembre 2022.     Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi bababa sa 800,000 slots ang ginawang available bilang bahagi ng pagsisikap ng DFA na pahusayin ang kasalukuyang serbisyo ng consular.     Plano rin ng […]