• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SEA Games hosting ng Pilipinas pinuri ng foreign sports officials

Inaasahan ng mga foreign sports officials na mapapakinabangan nang husto ng mga Filipino athletes ang “state-of-the-art” na New Clark City sa Capas, Tarlac.

 

Ang nasabing venue ang ginamit sa matagum­pay na pamamahala ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games noong Dis­yembre kung saan hinirang na overall champion ang Team Philippines.

 

Pinuri ni Ibrahim Nada, ang Technical Director ng Athletics Stadium and Aquatics Center sa Aquatic Complex sa New Clark City, ang nasabing modernong pasilidad.

 

Sinabi ng Malaysian official na lalo pang magsisikap ang mga Pinoy swimming at diving teams na mag-ensayo dahil sa makabagong aquatic center.

 

Noong 2019 SEA Games ay sumabak ang 135 atleta mula sa 11 member countries sa swimming, diving, water polo at artistic swimming sa naturang Aquatic Complex.

 

Nagpasalamat naman sina Harry Warganegara ng Indonesia Olympic Committee at Kunihito Morimura, ang president at Chief Executive Officer ng Dentsu Sports Asia, sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) dahil sa matagumpay na pangangasiwa sa 2019 SEA Games.

 

Tiniyak nina Wargane­gara at Morimura na muli silang babalik para makita ang pagbabago sa ‘sports landscape’ ng bansa.

 

Ang 31st edition ng SEA Games ay pamamahalaan ng Vietnam sa susunod na taon.

 

Matapos namang isu­mite sa pamunuan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ay nakatakda namang ibigay ni PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara ang kanilang Final Report Book sa SEA Games Federation.

Other News
  • Lolo tigbak sa mixer truck

    Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng […]

  • Ads March 1, 2022

  • Exhibition fight ni Tyson kay Jones inilipat sa Nobyembre

    Inilipat sa Nobyembre 28 ang exhibition fight nina Mike Tyson at Roy Jones Jr.   Ang nasabing laban sana ay unang itinakda sa Setyembre 12 sa Dignity Health Sports Park sa California.   Ayon sa kampo ng dalawa, may mga pinaplantsa pa silang mga sponsors para sa nasabing laban.   Sasamantalahin din anila ang pagkakataon […]