KASO NG OMICRON VARIANT, WALA PANG NAITALA
- Published on December 8, 2021
- by @peoplesbalita
Wala pa ring naitatalang kaso ng Omicron variant, base sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center sa mga samples hanggang nitong Dec.6
Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum ngayong Lunes.
Ayon kay Vergeire mula sa 19,305 samples na may lineage , pawang mga Delta, Alpha at Beta lamang ang natukoy.
Mula Nov.15 hanggang 29 arrivals, mayroong 253 indibidwal ngayon na galing ng South Africa na minomonitor na ng DOH.
Ito aniya ang mga bina- backtrace ngayon na mga indibidwal para makita kung sino sa kanila ang magpopositibo kapag nag-retest na puwedeng isequence .
Sa ngayon aniya ay nagku-quarantine na lahat ang mga na-locate. GENE ADSUARA
-
JANINE, mana lang kay PILITA ‘pag natuloy na maging ‘Valentina’
SA ginanap na virtual mediacon ng Dreamscape Entertainment para kay Janine Gutierrez, natanong ang newest Kapamilya actress tungkol sa bali-balitang pagganap niya bilang Millennial Valentina na magiging kontrabida ni Jane de Leon na tuloy na tuloy ang paglipad sa Darna TV Series. Sagot ni Janine, “It’s so interesting for me, kasi, of course, […]
-
Barangay on-site registration ikinasa ng More Power para sa discount sa kuryente
SA HANGARIN na maabot ang mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members at marginalized sector, nagdeploy ng kanilang personnel ang More Electric and Power Corporation (More Power) sa mga barangay para tumanggap ng aplikasyon para mabigyan ng diskwento sa singil sa kuryente o ang lifeline rate subsidy sa ilalim ng Epira Law. […]
-
Manila LGU pumirma na ng kasunduan para sa ‘Manila Film Festival’
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpirma ng memorandum of agreement sa ARTCORE Productions, Incorporated para sa nalalapit na Manila Film Festival. Ang The Manila Film Festival (TMFF) ay nakatakdang maging pangunahing bahagi ng taunang pagdiriwang ng Araw ng Maynila sa Hunyo na tatakbo rin sa loob ng isang linggo. […]