• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JANINE, mana lang kay PILITA ‘pag natuloy na maging ‘Valentina’

SA ginanap na virtual mediacon ng Dreamscape Entertainment para kay Janine Gutierrez, natanong ang newest Kapamilya actress tungkol sa bali-balitang pagganap niya bilang Millennial Valentina na magiging kontrabida ni Jane de Leon na tuloy na tuloy ang paglipad sa Darna TV Series.

 

 

Sagot ni Janine, “It’s so interesting for me, kasi, of course, I’m a fan of Darna, I’m a fan of all the old films.

 

 

“Actually, parang may napanood ako before na ‘yun lola ko parang nag-Valentina.”

 

 

Ang tinutukoy ni Janine ay ang pagganap noon ni Ms. Pilita Corrales bilang Valentina sa 1994 movie version ng Viva Films na Darna: Ang Pagbabalik na pinagbidahan ni Anjanette Abayari.

 

 

“Siyempre, flattered ako na nakikita ako ng ibang tao na mapasama sa ganoong klaseng proyekto. But I don’t know, we’ll see,” dagdag pa niya at may paglilinaw wala pa talagang offer o kino-consider siya sa naturang iconic role.

 

 

Dahil sa ngayong regular siyang mapapanood sa ASAP Natin ‘To at excited siya sa teleserye na gagawin sa Dreamscape Entertainment at posible rin mag-guest siya sa  FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

 

 

May gagawin din siyang movie under ABS-CBN Films/Star Cinema.

 

 

Kung may dream project siya sa kanyang pagiging Kapamilya, ay makasama sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil aminadong LizQuen fan siya at gustung-gusto niya si Liza.

 

 

Hopefully magkaroon siya ng chance na makasama at LizQuen at hindi niya ‘yun palalampasin.

 

 

Samantala, tiningnan namin ang comment ng netizens kung sakaling siya na nga ang gaganap na Millennial Valentina at nagsasabi na bagay din kay Ivana Alawi.

 

“Bagay naman. Tutal ayaw na ni Ivana. Masaya na siya sa YT.”

 

“Realtalk shes not interesting and the project darna as well.”

 

“I was actually expecting it will be Ivana to play Valentina.”

 

“Cguro na umay na c ivana kc nasobrahan sa hype ung darna.. nung 2018 pa kasi ano na??”

 

“Di bagay si Ivana mag valentina. Mashado siya maliit.’

 

“If ever from bida naging kontrabida. Unfortunately wala pang sumikat na Valentina na naging bida later. Good luck Janine.”

 

“Alessandra De Rossi was Valentina for Angel Locsin.”

 

“Mas maganda pa si Valentina kesa kay Darna if ever.”

 

“Sure ako mauuna pa lumabas yung VOLTES V ng GMA7 than Darna na yan. Nawala na yung interes ng tao dahil sa sobrang tagal ipalabas not to mention na starlet pa yung magiging Darna walang solid fan base. Parang jinx na yung Darna sa abs-can kasi ilang beses na nagpalit ng artista and directors.”

 

“Bagay sa kanya, matangkad and matapang ang mukha.”

 

“Mas bagay kay Ivana mas palaban ang dating, parang lambutin si Janine.”

 

“Eto ung klasmeyt mong di na inform.. di kpa nanuod ng serye nya sa gma no?”

 

“Masyado maliit si Ivana. Nagulat ako nung mapanood ko siya sa isang show parang 4’11 lang height niya. Parang hindi convincing na makikipaglaban she’s very tiny.”

 

“Not a fan of Ivana, but she can do both Valentina and Darna, like why not? Haha! Mabait kasi si ate girl, tapos yung awra nya seductive like valentina.”

 

“to be honest, wala bang bata bata kesa kay janine?”

 

“O diba mana sa lola! Baka nakalimutan nyo uy nag Valentina si Pilita! Pwede! (ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo’ – Duque

    WALA umanong nakikitang indikasyon sa ngayon na magpapatupad ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo 9 dahil sa posibilidad ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.     Ayon kay DOH Secretary Frnacisco Duque III, tanging granular lockdowns lamang at hindi malawakang lockdown ang posibleng ipatupad kung kinakailangan.     Maging ang OCTA Research Group […]

  • Dry run ng face-to-face classes sa 2021, aprubado na

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan sa low-risk areas.   Sa Cabinet meeting, noong Disyembre 14, 2020, inaprubahan ng Chief Executive ang presentasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot implementation o dry run ng face-to-face classes sa piling  eskuwelahan sa mga lugar na  low […]

  • PH crime rate mula quarantine, bumagsak sa 51%

    Bumagsak sa 51% ang crime rate sa Pilipinas buhat nang umiral ang community quarantine measure sa bansa, batay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.   Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 10,145 krimen lamang ang naitala mula March 17 hanggang July 20 kumpara sa 20,575 krimeng naiulat noong Nov. 17, 2019 hanggang March 16, 2020. […]