• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas nasa ‘minimal risk’ na

Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic makaraang ilagay na ng Department of Health (DOH) sa ‘minimal risk’ ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mababa na sa 1 ang ‘avegare daily attack rate’ ng bansa mula Nobyembre 22 hanggang Disyembre 5.

 

 

“Nationally we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at -57% and a low-risk average daily attack rate at 0.67 cases for every 100,000 individuals,” ayon kay Vergeire.

 

 

 May 13 rehiyon din sa bansa ang nasa kahalintulad na klasipikasyon habang ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Zamboanga Peninsula ang nasa ‘low risk classification’ naman.

 

 

Naitala ang positivity rate ng bansa sa 1.80% kung saan ang Metro Manila naman ang may pinakamababang rate sa 1.1% lamang. Ang positivity rate ang porsyento ng mga indibiduwal na nagpoposi­tibo sa COVID-19 sa araw-araw na isinasagawang COVID-19 test sa buong bansa.

 

 

 Sinabi pa ni Vergeire na nasa ‘low risk’ o mas mababa sa 50% utilisasyon ang lahat ng health facilities sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Lakers, dumanas ng 29 point-loss sa kamay ng Wolves

    TINAMBAKAN ng Minnesota Timberwolves ang Los Angeles Lakers ng 29 points (Dec. 3), 109 – 80.       Ipinalasap ng Wolves sa Lakers ang ika-siyam na pagkatalo ngayong season sa pangunguna ng bigman na si Rudy Gobert na nagpasok ng 17 points at nagbulsa ng 12 rebounds.     Nagdagdag naman ng 18 points […]

  • 203 bagong COVID-19 cases sa Phl naitala; 41 labs ‘di nakapagsumite ng datos – DOH

    Aabot lang sa 203 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na 41 laboratoryo sa bansa ang sinuspinde ang kanilang operations at hindi nakapagsumite ng datos dahil sa Bagyong Odette.     Sinabi ng Department of Health (DOH) na 395 pa ang gumaling sa sakit, at 64 ang nadagdag sa mga nasawi.   […]

  • PBBM sa ‘BAGONG PILIPINO’ : ipagdiwang ang pagmamahal sa sarili sa Araw ng mga Puso

    IPAGDIWANG ang pagmamahal sa sarili ang “friendly reminder” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga “Bagong Pilipino” ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso.     Sa short video message ng Chief Executive sa kanyang  official Instagram account, sinabi ni Pangulong Marcos na alam ng mga “Bagong Pilipino”  kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili. […]