• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron 2 ulit na mas nakakahawa sa Delta

Pinaniniwalaan ng independent OCTA Research Group na dobleng mas nakakahawa umano ang bagong Omicron va­riant kaysa sa Delta va­riant ng COVID-19 base sa datos na lumalabas mula sa South Africa.

 

 

Sinabi ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA, na dalawang beses na mas maaaring maipasa ang COVID-19 Omicron variant na nananalasa ngayon sa South Africa at mga karatig na bansa.

 

 

“Reproduction number in South Africa shows an increase to Rt=4 based on our own SIR (susceptible-infectious-removed) model. In previous surges, the reproduction number increased to less than Rt=2,” ayon kay David.

 

 

Sa simpleng interpretasyon, nangangahulugan ito na ang Omicron ay kayang makapaghawa ng 10 hanggang 16 na tao sa mas mabilis na panahon ng pagkakalantad sa isang taong infected nito.

 

 

Nitong Sabado, inilathala ng South African Medical Research Council ang isang ulat ng biglaang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Tshwane district sa probinsya ng Gauteng kung saan nalagpasan na ng Omicron ang Delta variant.

 

 

Ngunit hindi naman ito nagdulot ng pagtaas sa bilang ng mga naoospital dahil sa mababang bilang ng mga nagkakaroon ng pulmonya dulot ng virus. (Daris Jose)

Other News
  • 19 Siargao surfers lalaban sa La Union int’l tourney

    Labinsiyam na propesyonal surfers mula sa Siargao Island sa Surigao del Norte ang lalahok sa Enero 20 hanggang 26 sa World Surfing League (WSL) La Union International Pro.   “Nasa competition site na ang mga surfers natin since Jan. 16, Monday. Kailangan nilang gawing pamilyar ang surfing site lalo na ang mga alon ng Urbiztondo […]

  • Red tagging sa mga organizer ng community pantries, gawain ni satanas-obispo

    Ang red-tagging at pag-aakusa ng walang batayan sa mga organizers ng community pantries sa bansa ay maituturing na gawa ni Satanas. Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa red-tagging at profilling laban sa nagsasagawa ng mga community pantries sa bansa ngayong panahon ng pandemya na may batayang biblikal sa ginawang […]

  • 3 arestado sa P119K shabu sa Valenzuela

    MAHIGIT sa P.1 milyon halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug personalities sa buy bust operation at sa isang checkpoint sa Valenzuela city.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong mga suspek na si Ricardo Carriedo, 45 ng 292 Canumay West at […]