• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 sasakyan inararo ng SUV sa Malabon, 2 patay, 2 sugatan

HINDI bababa sa dalawang katao ang kumpirmadong nasawi habang sugatan naman ang dalawa pa matapos araruhin ng isang Mitsubishi Xpander wagon ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang tricycle sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

 

Si Nobelia Esto, 54 ng Gulayan St. Brgy. Catmon, pasahero ng tricycle na minamaneho ni Norberto Pinurla, died-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang si Pinurla ay tumilapon sa tulay at bumulusok sa ilog kung saan narekober kalaunan ang kanyang katawan sa Tullahan River sa C-4.

 

 

 

Ang dalawa pang katao na kinilalang sina Shielo Escamillas, 44 ng 89 Gen. Luna St. Brgy. Concepcion, driver ng Ford Lynx at Ericson Lala, 50 ng 18 Paez St. Brgy. Concepcion, pasahero ng Honda City ay napaulat na sugatan at ginagamot sa hindi nabanggit na hospital.

 

 

 

Kinilala naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang driver ng Mitsubishi Xpander (NPD-8114) na umararo sa mga nasabing sasakyan bilang si Kim Russel Sioco y Santos, 26, ng 28 jnterior F. Nicolas St, Niugan, Malabon City.

 

 

 

Sa inisyal na report, habang tinatahak ng tricycle na minamaneho ni Pinurla ang kahabaan ng Lambingan Bridge dakong alas-3:35 ng madaling araw nang masakop umano ang kabilang linya ng mabilis ang takbo na Mitsubishi Xpander na patungong Brgy. Catmon at mabangga nito ang tricycle bago inararo ang dalawa pang sasakyan na Ford Lynx at Honda City.

 

 

 

Ang insidente ay nakuhanan ng close circuit television (CCTV) camera na nakakabit sa naturang lugar. (Richard Mesa)

Other News
  • Payo na maging patas, mapagpasalamat at tumulong… POKWANG, palaban na ina at lahat sasanggain para sa mga anak

    DAHIL siya ay isang homemaker and loving mother kaya naman si Marietta Subong a.k.a. Pokwang ang napili ng owners ng Klio home products para maging endorser.     Naganap ang contract signing at launching ni Pokie sa Max’s Restaurant Scout Tuazon branch last week.     In a separate interview, tinanong naming si Ms. Pokie […]

  • Kai Sotto babalik muli ng PH para sa Fiba Asia Cup qualifiers

    Inaasahang darating sa pilipinas ang 7-foot-3 basketball prodigy na si Kai Sotto upang maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga.     Ang 19-anyos na na si Sotto ay una nang pumirma sa koponan na Adelaide Tigers na naglalaro sa Australian professional league ay kinailangan munang sumailalim […]

  • Bigo ulit ang Pilipinas sa 95th Academy Awards: ‘On The Job: The Missing 8’ nina JOHN, ‘di nakasama sa shortlist ng Foreign Language Film

    SA pagsalang ni Elijah Alejo sa fast money round ng Family Feud Philippines, kabilang sa mga tanong ay magkano ang ibibigay niya sa inaanak ngayong Pasko. Ang naging sagot ng aktres ay “P20” na kinaaliwan ng maraming netizens. Nakalaban ng bida sa upcoming GMA teleserye na Underage at ng kanyang pamilya sa naturang episode ay […]