• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-NBA All-Star Eddie Johnson, pumanaw na sa loob ng kulungan

PUMANAW sa loob ng kulungan ang dating NBA- All Star player na si Eddie Johnson sa edad 65.

 

Hinatulang kasi habambuhay si Johson noong 2006 dahil sa pang-aabuso sa isang 8-anyos na batang babae.

 

Hindi naman ibinunyag ng mga prison offiicials ang sanhi ng kamatayan nito.

 

May palayaw siya na “Fast Eddie” na naging manlalaro ng Atlanta Hawks mula 1977 hanggang 1986 at dalawang beses na naging bahagi ng NBA -All Star mula 1980-1981.

 

Naglaro din ito sa Cleveland Cavaliers at Seattle Supersonics.

 

Nasangkot sa pagnanakaw, cocaine possession at assault sa mga police officer si Johnson.

 

Dahil dito ay pinatawan siya ng NBA ng lifetime ban noong 1987 dahil sa paggamit ng cocaine.

 

Naaresto siya noong Agosto 2006 ng pasukin niya sa kuwarto ang biktimang 8-anyos na batang babae at doon ginahasa.

Other News
  • LeBron at Davis balik na pero minalas pa rin ang Lakers vs Pelicans

    BALIK  na sa paglalaro ang mga NBA superstars na sina LeBron James at Anthony Davis pero minalas pa rin ang Los Angeles Lakers matapos na masilat ng New Orleans Pelicans, 114-111.     Kung maaalala dalawang games din na nawala si LeBron habang inabot naman ng 18 games na hindi nakalaro si Davis dahil sa […]

  • Senator Marcos namahagi ng mga bangka at lambat sa mangingisdang Navoteños

    UMABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.     Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador. […]

  • PPC, PHILSPADA handa sa Summer Paralympic Games

    PATULOY ang mga agam-agam para sa ikalawang pag-urong ng petsa o tuluyang makansela na lang ang 16th Summer Paralympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa parating na Agosto 24-Setyembre 5 sa Tokyo, Japan sanhi ng pandemya.     May kaba man, walang puknat sa preparasyon ng Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa nalalapit […]