• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 6th, 2020

Karate champ Orbon guest ng TOPS

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAINIT na diskusyon ang bubungad sa buwan ng Nobyembre sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa pagbisita ng karate, horseracing at wheelchair basketball sa 19th “Usapang Sports on Air” via Zoom bukas (Thurday).

 

Mangunguna sa mga panauhin ng TOPS sina Fil-Am karate champion Joane Orbon at Karate Pilipinas and Association for the Advancement of Karatedo (AAK) president Richard Lim sa public service program na sisipa sa ganap na ika-10 ng umaga.

 

Tatalakayin ni Orbon ang kanyang plano at preparasyon sa Tokyo Olympics qualifying events, Southeast Asian Games sa Vietnam at iba pang international competitions sa susunod na taon.

 

Makakasama rin sa balitaktakan sina Philippine Racing Club, inc. (PRCI) racing manager Antonio B. Alcasid Jr. at Philippine Wheelchair basketball head coach Vernon Perea.

 

Inaanyayahan ni TOPS Prexy Ed Andaya ang lahat ng opisyal, miyembro at kaibigan sa sports community na dumalo sa weekly forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).

 

Binubuo ang TOPS ng sports editors, reporters at photographers ng pangunahing national tabloids at blogger-friends.

3 drug suspects arestado sa P1M shabu

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1- milyon halaga ng shabu sa tatlong sangkot sa droga, kabilang ang No. 1 sa top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities, Martes ng gabi.

 

Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong alas-7 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/ Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa harap ng BPI Bank, Monumento Circle, EDSA, Brgy. 86, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Richie Nevado alyas “Uteng”, 29, (Watchlisted/ Surrenderee), No.1 sa top 10 Drug Personalities ng NPD at (dating nadakip noong 2012 sa kasong Rape subalit, nakalaya matapos makapagpiyansa) at Felizardo Pagia, 33, (Watchlisted/ Surrenderee), (dating naaresto noong Nov 5, 2017 sa paglabag sa R.A. 10195 at nakalaya noong January 2, 2020 sa pamamagitan ng Parole).

 

Ani Gen. Ylagan, nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga suspek mula sa dating buy-bust operation kontra kay Alvin Ko, No. 2 sa Top 10 Drug Personalities ng NPD na nag-ooperate sa CAMANAVA area at sa mga natanggap na ulat at reklamo ng DDEU hinggil sa talamak na pagbebenta ng ilegal na droga sa kanyang mga parokyano ni alyas “Uteng”.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 55 gramo ng shabu na may standard drug price P374,000.00 ang halaga, marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 5 piraso boodle money, cellphone at motorsiklo.

 

Ininguso naman ng mga suspek ang pinagkukunan nila ng droga kaya’t agad ikinasa ng mga operatiba ng DDEU ang follow-up buy bust operation sa No. 967, E. De Castro St., Brgy. Malinta, Valenzuela City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Anthony Lloyd Molina, alyas “Carding”, 28, bandang 11:20 ng gabi.

 

Narekober kay Molina ang humigi’t-kumulang sa 105 gramo ng shabu na may standard drug price P714,000.00 ang halaga at marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 11 piraso boodle money. (Richard Mesa)

Sabong balik-ruweda na; pagkakaisa ng gamefowl associations kinilala ng GAB

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA unti-unting pagbabalik ng sabong (cockfighting), nananalaytay muli ang sigla ng mga Pinoy na nakasandal sa industriya at naisakatuparan ito dahil nagkaisa at nagtulungan ang lahat ng indibidwal at grupo na kaagapay sa kabuhayan ng sambayanan.

 

Mismong si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang per- sonal na nagpasalamat at nagbigay ng pagkilala sa local breeders, feed millers at veterinary association representatives sa isang payak na programa kamakailan.

 

“We understand that these associations have different interests; thus, we are really grateful to them for heeding our call to work together towards the resumption of cockfighting in the country,” pahayag ni Mitra.

 

Ipinagkaloob ng GAB ang certificates of appreciation kina Dr. Eugene Mende (President of Philippine Veterinary Drug Association), Dr. Bernard Baysic (Philippine Veterinary Medical Association), Mr. Albert Irving Uy (Thunderbird-UNAHCO), Ms. Ma. Stephanie Nicole Garcia (President of Philippine Association of Feed Millers), Mr. Arnel Anonuevo (Kasama Agri Products and Services), Mr. Mark Lopez (Lakpue Drug Inc. ) at Ms. Vicky Tobiano-Chu (Progressive Poultry Supply Corp.).

 

Kabilang ang sabong sa sektor na pinadapa ng COVID-19 pandemic matapos isailalim sa com- munity quarantine ang kabuuan ng bansa. Sa pagsulong ng ‘new normal’ bilang pagpapatupad sa ‘safety and health’ protocol ng InterAgency Task Force (IATF), kagyat na nakipagpulong si Mitra sa iba’t ibang asosasyon tulad ng Philippine Veterinary Drug Association (PVDA), Philippine Association of Feed Millers (PAFMI), United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines (UACOOP), International Federation of Gamefowl Breeders Associations (FIGBA), Inc. at kay Mr. Tady Palma.

 

Nitong Oktubre 15, tinanggap ng IATF ang mga isinumiteng programa ng GAB ay pinahintulutan ang pagbabalik ng sabong (cockfighting) sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) at sa masusing paggabay ng local government units (LGUs) sa mga tinukoy na lugar.

PDu30, may hawak ng shortlist ng mga kandidato para maging susunod na hepe ng PNP

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKASISIGURO si Presidential Spokesperson Harry Roque na mayroon nang hawak na listahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga posibleng kandidato para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

 

Nakatakda na kasing magretiro sa susunod na linggo si Outgoing PNP Chief Camilo Cascolan.

 

Iyon nga lamang ay wala pang impormasyon si Sec. Roque kung sino ang napipisil ng Pangulo para humalili sa pwesto ni outgoing PNP Chief Gen. Cascolan.

 

Kaya ang pakiusap ni Sec. Roque ay mas makabubuting hintayin na lamang ang magiging pinal na desisyon ng Chief Executive ukol dito.

 

Matatandaang, itinalaga ni Pangulong Duterte si Cascolan bilang PNP chief noong Setyembre at sa darating na Nobyembre 10, ang opisyal na pagbaba niya sa pwesto matapos na umabot na ito sa kanyang mandatory retirement age na 56. (Daris Jose)

Photo na pinost ni Heart, na-feature sa ELLE Australia

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa pinost na photo ni Heart Evangelista-Escudero sa social media ay na-feature sa pages ng ELLE Australia.

 

Suot ni Heart sa naturang photo ay plaid checkered coat dress at bitbit niya ang kanyang hand-painted Hermes bags.

 

Ginamit ang photo para sa article ng ELLE titled “What You Should Wear In 2020, Based On Your Star Sign.”

 

“Found yourself in a bit of a style rut in 2020? Same. If you’re searching for a little dose of inspiration in the fashion department, why not turn to the stars? From a bold pop of colour for Aries to low-key glamour for Taureans, we reveal the fashion choices you should make, based off your sign—at the #linkinbio,” caption ng ELLE Australia sa photo ni Heart sa IG.

 

Hindi ito ang first time na ma-feature si Heart sa isang international fashion magazine.

 

In 2018, Heart was featured in Harper’s Bazaar as one of the “Real Crazy Rich Asians.”

 

That same year, isa si Heart sa pinili ng ELLE bilang best-dressed sa Harper’s Bazaar event in New York City.

 

*****

 

ENJOY si Andrea Torres sa kanyang food business na Family Favorites dahil marami na siyang regular customers na gustung-gusto ang mga lutong- bahay nila.

 

Ang naging first customer niya ay ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay kaya naman tumutulong ito sa pag- manage ng negosyo nila.

 

“Natikman niya lahat ‘yon bago ko talaga nilalabas. Kahit itong mga bagong nilabas ko, pinapatikim ko muna sa kanya saka sa family niya. Kasi every Sunday, may gathering kami. So, dinadala ko du’n tapos hinihingi ko nga ‘yung mga reaksyon nila,” sey ni Andrea.

 

Malaking tulong daw si Derek tuwing nakakaramdam siya ng stress sa negosyo.

 

“Ako kasi mahilig ako mag- plan ng mga bagay-bagay. Siya ‘yung nagpapaalala sa akin na relax ka lang, okay lang ‘yan kasi ako kapag medyo may hindi lang nasunod sa plano, minsan nagpa-panic na ‘ko. Siya ‘yung bumabalanse sa akin.”

 

*****

 

NAGSIMULA na ng kanyang two-month prison sentence ang Full House actress na si Lori Loughlin pagkatapos siyang masentesyahan at ang kanyang mister na si Mossimo Giannulli na guilty for conspiracy to com- mit wire and mail fraud sa college admissions fraud scheme.

 

Nagbayad ang mag-asawa ng $500,000 bilang bribe para makapasok ang dalawa nilang anak sa University of Southern California (USC) bilang mga fake athletic recruits.

 

Kabilang sila sa 56 people na kinasuhan dahil sa scheme na ito ng mastermind na si William “Rick” Singer.

 

Nag-report ang 56-year old actress sa low-security federal correctional institution in Dublin, California. Nauna nang makapag-serve ng kanyang 11- day prison sentence ang Desperate Housewives star na si Felic- ity Huffman na nagbayad din ng bribe para makapasa sa col- lege entrance exam ang kanyang anak.

 

Nakilala si Lori Loughlin as Aunt Becky sa hit family sitcom na Full House noong 1987 hanggang 1995. Nagkaroon ito ng reboot noong 2016 as Fuller House na pinalabas sa Netflix. (RUEL J. MENDOZA)

HALOS P78-B NAI-RELEASE NA SA GOV’T RESPONSE VS COVID-19 PANDEMIC – DUTERTE

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT na sa halos P78 billion ang nailabas ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

 

Nakapaloob ito sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipinadala kahapon.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte, nasa P76.228 billion ay galing sa pondong inilaan sa Bayanihan to Recover as One Act habang ang P1.753 billion ay mula sa available funds sa 2020 national budget.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, kabilang sa pinaglaanan ng pondo mula sa Bayanihan 2 ang Department of the Interior and Local Government (P2,522,660,000); Office of Civil Defense (P855,190,418); Bureau of the Treasury (BTr)- lo-cal government units (P451,474,250); Department of Foreign Affairs (P820 million); Professional Regulation Commission (P2.5 million); Department of Social Welfare and Development (P6 billion); Department of Transpor- tation (P9.5 billion); Department of Agriculture (P12.032 billion); BTr-Development Bank of the Philip- pines (P1 billion); BTr-Land Bank of the Philippines (P1 billion); BTr – Small Business Corporation (P8,080,098,000); Philippine Sports Commission (P180 million); Department of Labor and Employment (P13.1 billion); Department of Health (P20,574,952,000) at De- partment of Trade and Industry (P100 million).

 

Samantala, ang Department of Public Works and Highways (P994,745,247); Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (P28,371,099) at DOH (P730,047,199) naman ang pinaglaanan ng pondong galing sa 2020 national budget.

 

Inihayag ni Pangulong Duterte na 54.45 percent na ng P140-billion appropriations sa ilalim ng Bayanihan 2 ang nai-release. (Ara Romero)

‘Floating employee’ maaring maghanap ng alternatibong trabaho – DOLE

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring maghanap ng alternatibong trabaho ang mga manggagawa na nasa “floating status.”

 

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez nakasaad sa DOLE’s Department Order (DO) No. 215, Series of 2020 na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado kahit nakahanap sila ng alternatibong trabaho habang nasa “floating status.”

 

Ang DO na pinirmahan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III noong Oktubre 23 ay naglalaman ng pagpapalawak ng “floating status” sa mga manggagawa sa loob ng anim na buwan.

 

Nilinaw din ni Benavidez na maaari namang kwestiyunin ng mga labor group ang legalidad ng DO.

 

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga employer na tulungang magproseso sa kaniyang mga contribution ang manggagawa na magkasakit at bigyan din ito ng tulong pinansyal.

Badyet ng NTF-ELCAC katumbas ng 38M relief packs

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na malaki ang maitutulong sa realignment o paglilipat ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa relief operations para sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Rolly.

 

Kung ililipat umano ang P19.1 bilyong badyet na hinihingi ng NTF-ELCAC at gamitin ito pambili ng relief packs ay makakagawa aniya ito ng nasa 38.2 milyong packs para sa mahigit dalawang milyong katao na naapektuhan ng bagyo.

 

Ayon sa mambabatas, ang relief packs ay maglalaman ng nasa 8 kilo ng bigas, 10 de lata, 5 sachets ng 3 in 1 coffee at 5 sachets ng powdered cereal drink at iba pa.

 

“Our people, especially in the Bicol region, are so devastated that it would take months and even years for them to recover. If realigned, funds from the NTF- ELCAC can also be used to build the houses and infrastructure for our affected brethen,” anang mambabatas.

 

Muli itong nanawagan sa senado na alisan ng pondo ang NTF-ELCAC at ilipat ito bilang pondo para itulong sa sinalanta ng bagyo. (Ara Romero)

MRT 3 pinabilis ng hanggang 50 kph

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na pinabilis na ang andar ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) hangganag 50 kilometer per hour na siyang kauna-unahang pangkakataon sa loob ng anim (6) na taon.

 

“The increase has reduced the time between trains to four to five minutes for 20 trains at 50 kph, from 6.5 to seven minutes for 20 trains at 40 kph,” wika ng MRT 3.

 

Ayon sa DOTr ibig sabihin na ang travel time mula sa MRT’3 North Avenue station papuntang Taft Avenue sa Pasay ay mababawasan ang isang (1) oras at 15 minuto at magiging isang (1) oras at 5 minuto na lamang.

 

Dahil sa mabilis na operating time, ang mga pasahero ng MRT 3 ay makakaasa ng mas mabilis na travel time, maikling paghihintay para dumating ang train, at mas maganda at komportableng paglalakbay.

 

Unti-unting pinabibilis ng MRT 3 ang operating speed nito mula sa 30 kph hangang 40 kph noong October at 50 kph ngayon buwan.

 

Noong pang September 2014 ang kahuli-hulihulihan na mataas ang operating speed na 50 kph ang MRT 3. Sa darating na December, may target ang MRT 3 na mapabilis pa ito ng 60 kph.

 

“The improvement in train speed is a result of the installation of new long-welded rails in all the MRT 3 stations as part of the rail line’s rehabilitation program, which is being implemented by Sumitomo- Mitsubishi Heavy Industries (MHI) from Japan,” ayon sa MRT 3.

 

Noong nakaraang taon, kinuha ng DOTr ang serbisyo ng Sumitomo- MHI na siyang original designer, builder, at maintenance provider ng MRT3 noong pang nakaraang 12 taon ng operasyon nito.

 

Ang rail replacement works ay natapos nang maaga noong mga nakaraang buwan pa at mas una pa kaysa sa scheduled completion nito sa darating na February 2021.

 

Maliban sa rail replacement works, ang Sumitomo-MHI ay mag overhaul din lahat na 72 light rail vehicles; papalitan ang lahat na mainline tracks; isasaayos ang power at overhead catenary systems; pagagandahin ang signaling, communications at closed-circuit television systems, at kukumpunihin ang lahat ng escalators at elevators. (LASACMAR)

DOH: ‘2021 pa posibleng isailalim sa MGCQ ang buong Pilipinas’

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang Department of Health (DOH) na hindi malabong ibaba na sa antas ng modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas sa unang quarter ng 2021 kung matagumpay na maaabot ng local government units ang mga itinakdang batayan ng mga eksperto.

 

Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, may itinakda silang “gatekeeping indicators” na dapat matugunan ng mga lokal na pamahalaan para maabot nila ang pinaka-maluwag na antas ng community quarantine.

 

“Mayroon tayong gatekeeping indicators and we already have set targets and milestones.”

 

Kabilang sa mga ito ang epektibong surveillance system, contact tracing, pagsunod ng publiko sa minimum health standards at enforcement ng LGUs.

 

“Ang sabi namin, if only local government units will be able to achieve these gatekeeping indicators by the end of December, we have set that targeted milestone by the end of first quarter of next year, all LGUs hopefully will be at MGCQ stage.”

 

Hindi naman isinasantabi ni Vergeire ang mga naitatala pa ring kaso ng COVID-19 ngayon, pero kung magagawa raw abutin ng mga lokalidad ang indicators ay siguradong kaya na rin ng mga ito na pigilan ang pagkalat ng coronavirus sa kanilang lugar.

 

Sa huling tala ng DOH, umaabot na sa 387,161 ang total ng COVID- 19 cases sa Pilipinas.