• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, umaasa na mauulit ang matagumpay na unang ‘Bayanihan, Bakunahan’

DAHIL sa tagumpay ng bansa sa kauna-unahang sabay-sabay na vaccine drive laban sa Covid-19 mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3, umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kahalintulad na resulta para sa “second round” nito sa susunod na linggo.

 

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na nakayanan ng bansa na makapagbakuna ng 10.2 milyong doses sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa isinagawang unang “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination days.

 

Inilarawan niya ang numerong ito bilang isang “huge achievement” sa laban ng bansa sa Covid-19.

 

Pinasalamatan ng Punong Ehekutibo ang mga doktor at iba pang volunteers na nagpartisipa sa five-day event.

 

“I’d like to thank the doctors, volunteers, and all. Of course, [Health] Secretary [Francisco] Duque and [Vaccine Czar] Secretary [Carlito] Galvez. I thank you on behalf of the Filipino people,” ayon sa Pangulo.

 

Kaya nga, masigasig siya na ulitin ang matagumpay na ‘“Bayanihan, Bakunahan” days sa second round nito.

 

“We will have a second round of Bayanihan, Bakunahan from December 15 to 17. I hope that would have the same success,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na naghahanap ng paraan ang national government para i-improve ang nalalapit na “Bayanihan, Bakunahan” kabilang na ang pag- accommodate sa walk-ins.

 

“Siyempre iyong sinasabi namin na mga improvements like accommodating walk-ins. But to the process, it’s really up to the LGUs [local government units] and then kung paano iyong proseso – ang pakiusap lang namin ay magkaroon ng sistema also for walk-ins ” ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang panayam.

 

Aniya, hinihikayat ang mga LGUs na i-extend ang kanilang average 12-hour operating time hanggang sa may mga tao lang nakapila para magpabakuna.

 

“Direktiba rin po iyon ng Pangulo, ang sabi nga niya basta may nakapila pa diyan, nandoon pa sa linya, may nag-aantay pa eh huwag ninyo pong isara ang vaccination sites,,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa rin, maaari ring ikunsidera ng LGUs na palakasin ang kanilang house-to-house vaccination efforts para sa mga senior citizens at persons with comorbidities.

 

“Several or many of the LGUs ay gumagawa po ng mga house-to-house. Kung lahat po ng LGUs ay magkaroon ng ganiyang klaseng initiative especially para sa mga senior citizens natin at iyong mga—those with comorbidities, mas maganda po iyan, mas maigi po,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • SENIOR SA MAYNILA MAY SARILING HOTLINE

    HINDI na maabala pa kung may problema o katanungan ang isang Senior Citizen sa Maynia matapos na pagkalooban sila ng sariling hotline na maari nilang tawagan. Ito ay matapos iutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso  ,ang pagbuo ng  call center  at inatasan din si  Office of the Senior Citizens (OSCA) Marjun Isidro na i […]

  • May nagawa na ‘major major mistakes’: Pag-amin ni VENUS na may nakarelasyon na mas matanda, ikinagulat ng marami

    MATAGAL na naging tahimik sa media si Miss Universe 2010 3rd runner-up Venus Raj sa anumang involvement sa showbiz at nag-concentrate ito sa kanyang pagiging community worker at pagiging speaker sa kanyang religious group.     Kaya laking-gulat ng marami nang biglang nakuwento sa ito sa pakikipagrelasyon niya noong 16 years old siya sa isang […]

  • Russian state media account, ini-demote ng Meta sa lahat

    DEMOTED na sa lahat ng platforms ng Meta sa buong muna ang Russian state media accounts, gayundin ang mga content na kumokonekta sa mga sites nito.     Sa isang statement ay kinumpirma ito ni Meta’s global affairs president Nick Clegg.     Ang Meta aniya ang siyang nagde-demote ng content ng Russian state-controlled na […]