• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motion for reconsideration balak ihain ng ilang petitioners kasunod nang desisyon ng SC vs Anti-Terror Law

Aapela ang ilang mga petitioners kontra sa Anti-Terror Act (ATA) kasunod ng naging pasya ng Korte Suprema na pagtibayin ang naturang batas habang ideklarang unconstituional naman ang ilan sa mga probisyon nito.

 

 

Ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, maghahain sila ng motion for reconsideration sa ruling ng Supreme Court sa mga probisyon na nagpapalawig sa period of detention, sa kapangyarihang hawak ng Anti-Terrorism Council, at sa incommunicado house arrest.

 

 

Sa kabila kasi nang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang Section 4 at Paragraph 2 ng Section 25 ng ATA, sinabi ni Colmenares na “very devastating” pa rin sa human rights sa bansa ang pagkakaroon ng nasabing batas mismo.

 

 

Naniniwala naman si Atty. Howard Calleja na hindi lamang dalawang bahagi ng batas ang dapat na idineklarang unconstitutional kundi mas marami pang probisyon dapat.

 

 

Ang mga ito ay kanilang hahamunin, pero sa ngayon mas mainam aniya na hintayin lamang din muna nila ang main ruling ng SC pati na rin ang iba pang mga opinyon ukol dito. (Daris Jose)

Other News
  • DIEGO, ni-reveal na nag-reach out na kay CESAR at wish na magkita rin sila

    SA virtual media conference ng More Than Blue na magsisimula na ang streaming ngayong Biyernes, November 19 sa Vivamax, natanong si Diego Loyzaga sa rami ng nagawang pelikula kahit na may pandemya.      Sa pagpasok ng 2021, una siyang napanood sa Death of A Girlfriend at nakatambal si AJ Raval.     Magkakasunod naman ang paglabas niya […]

  • Bagong toll rates sa Cavitex, ipapatupad na sa May 22

    MATAPOS  ipagpaliban ng sampung araw, tuloy na sa Mayo 22, 2022 (Linggo), ang pagpapatupad ng bagong toll rates para sa CAVITEX R-1 segment.     Matatandaang inanunsyo ng Cavitex Infrastructure (CIC) at ng joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), sa pakikipagtulungan ng  Toll Regulatory Board (TRB), ang bagong toll rates para sa […]

  • PDu30, hindi naging pabaya sa pag-iimbestiga sa drug war killings

    Ang pagpapalabas ng impormasyon ng  52 kaso ng police anti-drug operations na nagresulta sa pagpatay sa mga  drug suspects  ay nagpapakita lamang na hindi naging pabaya si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa kanyang obligasyon  na imbestigahan ang human rights violations sa panahon ng kanyang termino.     Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry […]