• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: 70% PUV capacity pa rin sa NCR

Ang kapasidad ng mga public utility vehicles (PUVs) sa National Capital Region ay mananatili pa rin sa 70 porsiento ngayon kapaskuhan kahit na ang Metro Manila ay nasa “very low” risk ng klasipikasyon.

 

 

 

Isang memorandum circular ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may updated na guidelines para sa mga kapasidad ng PUVs.

 

 

 

“The 70 percent capacity would also be enforced in Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal, which are under the Metro Manila urban transportation integration study update and capacity enhancement,” wika ng LTFRB.

 

 

 

Kasama sa mga pampublikong transportasyon ang mga jeepneys, buses, UV Express at railway systems na binigyan ng mas malaking kapasidad simula pa noong November mula sa dating 50 porsiento.

 

 

 

Dagdag pa ng LTFRB na ang ibang probinsya at rehiyon sa bansa ay maaaring magdagdag ng kapasidad mula sa 50 porsiento upang maging 70 porsiento kung nalampasan na nila ang 30 porsiento ng kanilang vaccination rate ngayon buwan ng December.

 

 

 

Samantalang, ang iba pa na rehiyon ay mananatiling 50 porsiento pa rin ang kanilang pampublikong kapasidad. Ang mga PUVs na papuntang Metro Manila ay kinakailangan na magpatupad ng kapasidad mula sa kanilang “point of origin.” Habang ang mga PUVs na pupunta naman ng mga probinsiya ay kailangan magkaron ng kapasidad na ipatutupad ng kanilang pupuntahang lugar.

 

 

 

Muling pinaalalahanan ng LTFRB ang mga drivers at operators ng mga PUVs na mahigpit nilang ipatupad ang minimum health standards at kung hindi susunod ay maaari silang maparusahan sa ilalim ng COVID-19 guidelines.

 

 

 

Sa kabilang dako naman, ang state-run na Land Bank of the Philippines (LBP) ay nakapagbayad na ng 60 porsiento mula sa P1 billion na fuel subsidy para sa mga PUV drivers.

 

 

 

Naitala na noong November 29, ang LBP ay nakapagpamigay na ng P599.16 million sa may 83,216 na mga PUV drivers na may Pantawid Pasada fuel cards.

 

 

 

“The government’s subsidy program aims to benefit more than 136,000 PUV franchise holders nationwide. Each driver is entitled to receive P7,200 in fuel assistance,” dagdag ng LTFRB.

 

 

 

Ang mga beneficiaries ay maaari nilang gamitin ang Pantawid Pasada fuel cards sa pagbili ng mga produktong petrolyo sa mga participating outlets. Muling inilungsad ang programa upang matulungan ang mga PUV operators at drivers na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. LASACMAR

Other News
  • Beermen nagkampeon sa PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT 119-97

    NAKUHA  ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng 2022 PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT Tropang Giga 119-97.     Tinanghal bilang PBA Press Corps Finals Most Valuable Player sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum sa harap ng 15,915 audience.     Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng […]

  • P2.3 milyong shabu nasabat sa bebot sa Bilibid

    HIGIT  sa P2-milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad nang tangkang ipuslit papasok sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na Raquel Zuñiga, 33, residente ng Marasaga […]

  • Matapos umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off: SB19, muling nag-perform sa American morning show na ‘Good Day New York’

    INIHAYAG ng SB19 ang kanilang pasasalamat at pagiging proud sa kanilang fandom na A’TIN na umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off.     Sa kanilang IG Live, inilahad ng SB19 members na sina Justin, Pablo, Stell, Ken at Josh ang pasasalamat nila sa A’TIN.     “Maraming maraming salamat! You guys are amazing,” sabi […]