• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P750K paglalabanan sa PBA 3×3 grand finals

Premyong P750,000 ang pag-aagawan ng 10 top teams sa Grand Finals ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo tournament sa Disyembre 29 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 

 

Papagitna sa aksyon ang nasabing finale kung kailan pahinga ang 2021 PBA Governors’ Cup.

 

 

Nauna nang ikinunsidera ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagdaraos sa 3×3 grand finals sa Araw ng Pasko sa pagitan ng dalawang laro ng reinforced conference bago ito iniurong sa Disyembre 29.

 

 

Paparada sa grand finale ang top 10 teams base sa kanilang accumulated points at rankings mula sa kabuuang anim na legs.

 

 

Ang runner-up ay magbubulsa ng P250,000, habang ang second runner-up ay tatanggap ng P100,000.

 

 

Ang TNT Tropang Giga ang naghari sa first leg kasunod ang Meralco sa second leg, ang Sista Super Sealers sa third leg at ang Purefoods TJ Titans sa fourth leg.

 

 

Nangunguna ang Bolts sa team standings sa itaas ng Tropang Giga, TJ Titans at guest team Platinum Karaoke.

 

 

Ngunit maaari pa itong magbago sa pagsasagawa ng fifth at sixth legs sa Disyembre 11 at 12 at sa Disyembre 18 at 19, ayon sa pagkakasunod, na didribol sa alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Other News
  • Export ng PH lumampas ng $100-B noong 2023 – DTI

    IPINAGMALAKI ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na sa unang pagkakataon, ang mga export ng Pilipinas ay lumampas sa USD 100 bilyon noong 2023.     Ayon kay Director Bianca Sykimte ng DTI- Export Marketing Bureau (EMB) na ang kabuuang taon na pag-export ng parehong mga produkto at serbisyo ay umabot […]

  • 911 Emergency call center, ilulunsad sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS– Ilulunsad na ng Bulacan ang 911 emergency hotline upang palakasin ang proyektong Bulacan Rescue na umaalalay sa mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna na gaganapin sa Oktubre 28, 2021 sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Maaari nang itawag ang mga emergency kabilang ang medikal, (atake sa puso, stroke atbp.), […]

  • NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON

    ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.     Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong […]