7 arestado sa drug buy bust sa Valenzuela
- Published on December 14, 2021
- by @peoplesbalita
KULONG ang pitong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisenchristena Jr., dakong alas-2:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa No. 1169 Sta Monica St., Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kina Aldrin Pablo alyas “Ade”, 29, Julius Alaan alyas “Tata”, 43, Mario Luis Buncio III alyas “Baba”, 31 at Lorens Rey Silvaña, 24.
Nakumpiska sa kanila ang tinatayang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, P500 marked money, P900 cash, at dalawang cellphone.
Nauna rito, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang masakote din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Galas St., Brgy. Bignay si Gemar Senillo, 29. Nakuha sa kanya ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600.00, P500 buy bust money, P150 cash, cellphone at coin purse.
Sa Brgy. Marulas, natimbog din ng isa pang team ng SDEU sina John Loteriña alyas “Jan-Jan”, 47 at Ruby Loteriña, 36, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer sa buy bust operation sa F. Bautista St., dakong alas12:05 ng hating gabi.
Narekober sa mga suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, buy bust money, coin purse at cellphone.
Nahaharap ang naarestong mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
TikTok user na nagbantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos, sumuko sa NBI
KINUMPIRMA ngayon ng Department of Justice (DoJ) na sumuko kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng TikTok account kung saan inupload ang video na nagbabantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos. Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, boluntaryo umanong sumuko kahapon ang subject sa NBI. Sa ngayon, hindi […]
-
Ads January 21, 2020
-
Balik-trono sa Alab: Brownlee, target ang kampeonato
Hangad ni Justin Brownlee sa kanyang pagbabalik sa San Miguel Alab Pilipinas na mabigyan uli ng pinakaaasam na kampeonato sa 10th ASEAN Basketball League (ABL) 2019-2020. Malaking bagay ang do-it-all import sa koponan, na may 10-6 record at pangalawa sa team standings sa eliminations. Isa siya sa instrumento nang maupo sa trono ang PH […]