Balik-trono sa Alab: Brownlee, target ang kampeonato
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
Hangad ni Justin Brownlee sa kanyang pagbabalik sa San Miguel Alab Pilipinas na mabigyan uli ng pinakaaasam na kampeonato sa 10th ASEAN Basketball League (ABL) 2019-2020.
Malaking bagay ang do-it-all import sa koponan, na may 10-6 record at pangalawa sa team standings sa eliminations. Isa siya sa instrumento nang maupo sa trono ang PH squad kagaya sa 2017-2018 season ng torneo.
“It feels great,” sambit ni Brownlee sa Spin.ph sa practice ng koponan sa Kerry Sports Center. “The guys are very high in spirit. They are in second place right now. They’ve been doing really well.
Bagama’t wala na ang karamihan sa mga players noong nakaraang 2017-2018 ABL, positibo naman si Brownlee na mananatili ang kultura ang Alab Pilipinas.
“I just want to come in and just whatever help they need, I’ll just try to fill those spots and try to continue what they are doing here and keep winning and try to bring the championship back to the Philippines,” saad niya.
Kagigiya lang ni Brownlee sa Barangay Ginebra San Miguel sa titulo ng 44th Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup 2019-2020 nitong Enero.
Nais niyang dagdagan pa ang panalo ng Alab, at kung maaari ay masungkit muli ng team Pilipinas ang kampiyonato.
“Like I said, the team has been doing really well. The only pressure for me is I don’t want to come in and mess anything up. I just want to take whatever momentum they have and just try to come in and help them build it and try to make a run for the championship. Just go out there and play hard,” panapos niyang sambit.
Dahil na postpone ang laban ng Alab at Saigon Heat Vietnam sa nakaraang linggo dulot ng coronavirus outbreak, naudlot rin ang pagsabak ni Brownlee sa muling pagsusuot ng Alab jersey.
Sa darating na Linggo pa ang balik kampanya niya sa koponan na makakaharap ang Singapore Slingers sa OCBC Arena ng city estate.
-
3 KATAO HULI SA DROGA SA MAYNILA
SWAK sa kulungan ang tatlong indibidwal nang mahulihan ng marijuana at shabu sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 7 Biyernes ng madaling araw. Sa imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Rufino Casilit apyas Basi ,47; Loisa Casipit ,19, kapwa nakatira sa Prudencia St., […]
-
Bigas sa halip na pera sa 4Ps, isinusulong
PINAG-AARALAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa halip na tulong pinansyal o pera mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na iminungkahi nila […]
-
Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), binatikos ang ginawang pagbaba sa taripa
BINATIKOS ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang ginawang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas mula India na dating 50% taripa ay 35% na lamang ngayon. Tugon umano ito sa naulinigang plano ng Thailand at Vietnam na taasan ang presyo ng kanilang bigas at magtaguyod ng rice cartel. […]