• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang

Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya.

 

 

Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tina­lakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito.

 

 

Puna pa ng kalihim, naunang pinalampas ng gobyerno ang pagkuha ng Pfizer sumunod ang Moderna at ngayon naman ay ang heringgilya.

 

 

“We dropped the ball again; this time offer of 50 million syringes. Discussed the need in Washington DC and got a response prepared to go into details with PH agencies but they refused to discuss the ball let alone catch it. First Pfizer, then Moderna. Ok, I see the pattern,” sinabi pa Locsin sa kaniyang Twitter account.

 

 

Sa komento naman ni presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na dapat ay nakinig ang gobyerno kay Locsin kahit na hindi nila na appreciate ang efforts nito.

 

 

Sa tugon naman ni Locsin, sinabi nito na hindi siya umaasa pa na may makikinig sa kanya, subalit alam na niya ngayon na hindi na siya dapat mag-aksya ng oras at hiyain pa ang sarili.

Other News
  • Sec. Ano extended pa ng isang buwan ang leave of absence – DILG

    Hiniling ni ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na i-extend pa ng isang buwan ang kaniyang leave of absence.     Ayon kay DILG OIC Usec Bernardo Florece magpapatuloy ang bakasyon ni Año hanggang March 31.     Sinabi ni Florece na nasa maayos nang kalagayan ang kalihim at nakalabas na ng ospital […]

  • Ads April 6, 2024

  • Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM

    Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.   Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.   Sa […]