• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miss India HARNAAZ KAUR SANDHU, kinoronahang Miss Universe 2021; BEATRICE, nakapsok sa Top 5

NAGING matagumpay ang 70th edition ng prestigious international pageant na Miss Universe na ginanap sa Eilat, Israel, madaling araw ng December 12, 2021 (umaga ng December 13 sa Pilipinas).

 

 

Si Harnaaz Kaur Sandhu ng India ang kinoronahang Miss Universe 2021. Siya ang ikatlong nakapag-uwi ng titulo mula sa India.

 

 

Pinaka-una si Sushmita Sen na nagwagi sa Miss Universe 1994 na ginanap sa Pilipinas at sumunod naman si Lara Dutta noong 2000.

 

 

Si Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico ang nagpasa ng korona kay Harnaaz, na naging emotional sa preliminary ng pageant dahil nagtapos na nga ang kanyang reign na umabot lang ng seven months.

 

 

Ang first runner-up naman ay si Nadia Ferreira ng Paraguay at second runner-up si Lalela Mswane ng South Africa.

 

 

Nakaabot naman ang ating pambato na si Beatrice Luigi Gomez sa Top 5, kaya dapat nating ipagmalaki dahil naging maganda ang kanyang ipinamalas sa coronation night na kung saan 80 candidates ang naglaban-laban. Kasama rin sa Top 5 si Miss Columbia.

 

 

Una ngang in-announce ang Top 16 na isa-isang tinawag ng host na si Steve Harvey na may quick interview na kinabibilangan nina Miss France Clémence Botino, Miss Colombia Valeria Ayos, Miss Singapore Nandita Banna, Miss Panama Brenda Smith, Miss Puerto Rico Michelle Colón, The Bahamas Chantel O’Brian, Miss Japan Juri Watanabe, Miss Great Britain Emma Collingridge, Miss USA Elle Smith, Miss India Harnaaz Sandhu, Miss Vietnam Nguyen Huynh Kim Duyên, Miss Aruba Thessaly Zimmerman, Miss Paraguay Nadia Ferreira, Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez, Miss Venezuela Luiseth Materán at Miss South Africa Lalela Mswane.

 

 

For the first time nakapasok ang The Bahamas sa Top 16 ng Miss Universe na at nagtuloy sa Top 10 after ng swimsuit competition na kung saan nalaglag sa kandidata ng Singapore, Panama, Japan, Great Britain, Venezuela, at Vietnam na online favorite.

 

 

Ang panel of judges para sa 70th Miss Universe ay binubuo ng our very own Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Bollywood actress Urbashi Rautela, former Victoria’s Secret Angel Adriana Lima, American actress Rena Sofer, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, entertainment host Adamari Lopez, at ang entrepeneur-model Lori Harvey, na daughter ni Steve Harvey.

 

 

***

 

 

NAG-UUMAPAW at hindi nagpakabog ang kagandahan ni Marian Rivera sa Miss Universe 2021 pageant.

 

 

Kasama nga ang 37-year-old GMA-7 actress sa seven all-female judges na ang tungkulin ay piliin ang bagong Miss Universe.

 

 

Ipinakilala si Marian na, “a recording artist and an award-winning film and television star in the Philippines,” na kung saan suot niya ang bonggang pink creation ng Filipino fashion designer na si Francis Libiran.

 

 

Sa kanyang interview sa 24 Oras, sinabi ni Francis na  four days lang at anim na katao ang gumawa ng gown ni Marian.

 

 

“Tinanong ko lang si Marian kung anong gusto niya. Sabi niya, she wants off-shoulder,” pahayag niya.

 

 

Sabi ko, ‘Marian, nakaupo ka most of the time so talagang ipakita natin itong part na ito, kasi iyan yung asset mo.’

 

 

“Very simple lang yung requirement ni Marian. And it’s always easy to work with her kasi alam niya yung gusto niya, e.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Dahil nag-react ang fans ni Jolina sa ‘Pop Icon’: ‘Asia’s Limitless Star’ title ni JULIE ANNE, ibinalik na ng GMA

    IBINALIK na raw sa Asia’s Limitless Star ang title ni Julie Anne San Jose na ipinang-label ng GMA-7’s “The Voice Generations” kunsaan, isa si Julie sa apat na The Voice Generations Judge.     Kasama rin niyang judges sina SB19 Stell, Billy Crawford, Bamboo at Chito Miranda.     Ilang araw na rin na pinag-aawayan […]

  • GINEBRA BABALIKWAS SA GAME 2 – TENORIO

    SOBRA ang pagkadismaya ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone sa Barangay Ginebra San Miguel na tinambakan ng Meralco 104-91 sa Game 1 ng 46th Philippine Basketball Association 2021-222  Governors Cup best-of-seven Finals nitong Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.     Hindi na nakapalag ang Gin Kings sa Bolts nang matambakan ng 21 puntos sa laro […]

  • Bowlers, judoka sumikwat ng ginto

    HABANG tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.     Dalawang gold medals lamang ang nakamit ng mga Pinoy athletes mula sa national men’s bowling team at kay judoka Rena Furukawa kahapon.   […]