• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalakas ng sistema vs bank fraud dapat unahin

Sa halip na unang atupagin ang pagpapalit ng mukha ng P1,000 banknote, pinayuhan ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na asikasuhin muna ang pagkakaroon ng eagle-eyed anti-fraud mechanisms sa mga bangko.

 

 

Mas mahalaga aniya na magkaroon ng “sharp detection” sa mga bank fraud at hacking para maprotektahan ang kliyente ng mga bangko kaysa palitan ang mga World War II martyrs ng litrato ng Philippine eagle sa P1,000 banknote.

 

 

Nakakahiya aniya para sa BSP na nalusutan sila ng nangyaring scam sa mga kliyente ng BDO kamakailan.

 

 

Pinatitiyak din ng kongresista na maibalik ang perang nawala sa maraming kliyente ng naturang bangko dahil sa nangyaring account hacking.

 

 

Bago pa man nangyari ang insidenteng ito, sinabi ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na nasa P1 billion halaga ng pera ng mga bank clients ang nawala dahil sa mga cybercriminals at digital fraudsters ngayong taon lamang.

 

 

Kaya iginiit ni Brosas na dapat madaliin na ang imbestigasyon dito habang pinalalakas naman ang data privacy act at security sa banking system sa bansa. (Gene Adsuara)

Other News
  • LEGITIMACY NG PDP LABAN MARERESOLBA

    MARERESOLBA ng poll body ang legitimacy case ng PDP-Laban bago matapos ang Marso.     Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa panayam na inutuan sila ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa en banc meeting noong nakaraang linggo upang mapabilis ang pagresolba ng kaso ng PDP-Laban.     “I was really hoping that we will […]

  • Ads June 23, 2021

  • P1.4 B MRT 4 tuloy na

    Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Spain-based design consultant IDOM Consulting, Engineering, Architecture SA ang isang consultancy contract para sa detalying architectural at engineering design na itatayong Metro Rail Transit Line 4 (MRT4).     Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. Mangangaling […]