2 sa 4 hackers na umatake sa BDO, natunton na ng BSP
- Published on December 16, 2021
- by @peoplesbalita
Tuloy-tuloy daw ang pagproseso ng BDO Unibank Inc. sa reimbursement ng nasa 700 nilang kliyente matapos mabiktima ng online fraudulent transactions.
Ayon sa pamunuan ng naturang bangko, hiniling na raw nila sa kanilang mga kliyente na magtungo na sa pinakamalapit na branch at magsumite ng kanilang documentation para sa isasagawang refund.
Tiniyak naman ng bangko na tuloy-tuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para hindi na maulit ang naturang insidente.
Una rito, pumutok ang balitang may naganap na bank transfer mula sa naturang bangko papunta sa Union bank account ng nagngangalang Mark Nagoyo.
Sa panig naman ng naturang bangko, sinabi ni Henry Aguda, senior executive vice president, chief technology and operations officer at chief transformation officer na naka-hold na ang nasa P5 million na perang sangkot sa naturang iligal na transaksiyon.
Samantal mistulang isinantabi naman ng BSP ang anggulong inside job ang naturang insidente.
Sinabi ni Melchor Plabasan, director ng Technology Risk and Innovation Supervision Department ng BSP na na-trace na nila ang dalawa sa apat na kataong sangkot sa hacking incident at lahat daw ng mga ito ay hindi empleyado ng dalawang bangko.
Hindi naman tinukoy ng opisyal kung mga Pinoy o nakabase dito sa bansa ang mga umatake sa naturang bangko.
Sinisilip na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang involvement dito ng mga local syndicate na nambiktima at napasok ang online bank accounts ng daan-daang katao.
Ayon kay NBI cybercrime chief Vic Lorenzo, base raw sa kanilang assessment isang local syndicate at hindi international na sindikato ang nasa likod ng hacking.
Samantala, nanawagan naman ang Bankers Association of the Philippines sa publiko na gawin nila ang kanilang bahagi para maprotektahan ang kanilang sarili sa cyberscams. (Daris Jose)
-
ANGELICA, desidido at willing talaga na iwanan ang kasikatan
IKINABIGLA ng co-hosts ni Angelica Panganiban na sina Kean Cipriano at Via Antonio sa digital show na #AskAngelica sa kanyang rebelasyon sa episode 3 na kung saan guest si Glaiza De Castro. Iiwanan na pala ni Angelica ang kasikatan niya o showbiz career kapag natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya sa habambuhay. […]
-
Ads January 27, 2022
-
380 Pinoy sa Ukraine, hinikayat na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy
HINIKAYAT ng Philippine diplomats sa Warsaw, Poland ang 400 Filipino sa Ukraine na agad na makipag-ugnayan sa embahada para sa anumang hindi kanais-nais na insidente sa kanilang lugar sa gitna ng ulat na napipintong Russian invasion. “The Philippine Embassy in Warsaw closely monitors the situation of the approximately 380 Filipino nationals living in […]