• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGELICA, desidido at willing talaga na iwanan ang kasikatan

IKINABIGLA ng co-hosts ni Angelica Panganiban na sina Kean Cipriano at Via Antonio sa digital show na #AskAngelica sa kanyang rebelasyon sa episode 3 na kung saan guest si Glaiza De Castro.

 

Iiwanan na pala ni Angelica ang kasikatan niya o showbiz career kapag natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya sa habambuhay.

 

Ang episode title ng Ask Angelica para sa week 3, ‘United Colors of Pagmamahalan | Angelica Panganiban | ‘Ask Angelica.’ Love knows no boundaries kaya #UnitedColorsOfPagmamahalan.

 

Tungkol sa pagkakaroon ng asawa o partner na Afam o foreigner ang topic ng week 3 at dahil may boyfriend na foreigner si Glaiza kaya siya ang napiling guest bukod pa sa super close pala ang Kapamilya star sa Kapuso artist.

 

Sino ang dapat masunod in settling down kung saan bansa, ang foreigner husband o ang Filipina wife?

 

Natanong si Glaiza dahil taga- Ireland ang boyfriend niya.

 

“Nu’ng sinabi na sa akin ‘yan ni David (Rainey), sa ngayon ha, hindi ko alam kung magbabago parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan ‘yung bahay ko dito. Pero ang maganda nito, ang sabi kasi ni David, mas gusto niya dito kung sakali lang amapag-uusapan naman ‘yung future, eh, mas gusto niya dito,” sagot ni Glaiza.

 

At dito natanong si Angelica na kung sakaling may makita siyang lalaking sa tingin niya ay si Mr. Right, iiwanan ba niya ang lahat.

 

Pagkalipas ng 5 seconds ang sagot ni Angge, “Oo!”

 

“Ohh” tanging sabi ni Kean.

 

Tumawa naman ng todo si Via, “Oh My God! All caps pa ‘yung OO. Stable ang face ni Ms Angge, confident! Strong woman, ganu’n.”

 

“Hanep iba na ‘yan ah. First time kong nakita sa’yo ‘yan Amiga (tawagan nila),” masayang sabi ni Glaiza.

 

Hirit ni Kean, “kahit ano mars, ‘yung career mo, e, nandito?”

 

“Yes! Wala akong… I don’t care. Kung anuman ‘yung status ng career ko kasi nagtrabaho na ako for 28 years sa ABS-CBN. So, feeling ko pag dumating siya (future husband or boyfriend) hindi naman na siguro ako nagdadamot na ano, di ba? Maiintindihan naman ako ng kumpanya.

 

“I’ve been longing na magkaroon ako ng sarili kong pamilya so pag nangyari give- up lahat automatically, drop lahat,” rebelasyon ng aktres.

 

Sabi naman ni Glaiza, “ganu’n ka talagang klaseng tao, eh kapag nagmahal ka talaga.”

 

Dagdag ni Angge, “at saka ang pinag-uusapan natin dito, ito na, eh dito ka na, pakakasalan mon a siya, ano (asawa) mon a siya. Ako naman eversince na kapag nagka-pamilya ako, pack-up sorry!”

 

Say ni Glaiza, “bisitahin mo na lang kami rito o kami ang bibisita sa ‘yo.

 

“Ganu’n na nga,” sagot ni Angelica.

 

Say naman ni Kean, “online na lang tayo tutal may #AskAngge naman tayo.”

 

“Oo nga, sa susunod nating #AskAngge may bitbit na akong anak dito, nagpapa-suso na ako, wow,” tumawang sabi pa ng aktres/host. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • Pumirma sila ng waiver na payag gawin ang eksena: RHIAN, first time na nakipag-love scene na hindi lang isa kundi dalawa pa

    BALIK-HOSTING si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, pagkatapos ng huli niya, na StarStruck 7.       Muling iho-host ni Dingdong ang Family Feud, ang Philippine version ng popular American game show na muling ibabalik ng GMA-7.     Ito ang ipapalit ng GMA-7 sa Dapat Alam Mo  ang informative show hosted by Kuya Kim (Kim Atienza), […]

  • Biden ipinagmalaki ang pagkapatay ng US forces sa lider ng Islamic State sa Syria

    IPINAGMALAKI ni US President Joe Biden na napatay ng mga sundalo ng America ang lider ng Islamic State sa Syria.     Kinumpirma ng isang senior US administration official ang pagkasawi ni Abu Ibrahim al-Hashemi al-Quraishi sa isang operation.     Umabot rin sa 13 mga katao ang nadamay sa operation na kinabibilangan ng mga […]

  • Fury napanatili ang WBC world heavyweight belt matapos talunin si Chisora

    Napanatili ni Tyson Fury ang kaniyang WBC world heavyweight title matapos talunin si Derek Chisora.     Hindi hinayaan ng 34-anyos na si Fury na madungisan ang kaniyang unbeaten record sa halos 60,000 katao na nanood sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.     Inihinto na ng referee ang laban matapos makita ang 38-anyos na […]