OMICRON NAKAPASOK NA SA PINAS, 2 KASO NATUKOY
- Published on December 17, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang dalawang kaso ng Omicron (B.1.1.529) variant of concern sa bansa .
Ayon sa DOH, ito ay natukoy mula sa 48 samples na na-sequence ng PGC kahapon, Dec.14.
Maliban dito sa dalawang kaso ng Omicron mayroon ding 33 positibo sa Delta (B.1.617.2) variant habang 13 ang walang lineage .
Ang huling sequencing run ay binubuo ng samples mula sa 21 Returning Overseas Filipinos (ROFs), isang foreign national, at 26 local cases mula sa mga lugar na may case clusters.
Ang naturang mga kaso ay mga incoming travelers at kasalukuyan naka-isolate sa facility na pinamamahalaan ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Isa ay Returning Overseas Filipino (ROF) na dumating mula Japan noong December 1, 2021 via Philippine Airlines flight number PR 0427.
Ang sample ay nakolekta noong December 5, 2021. Ang positibo nitong resulta ay nailabas nitong December 7 at ang kaso ay na-admit sa isolation facility sa kaparehong petsa .
Siya ay kasalukuyang asymptomatic pero may sintomas na sipon at una nang dumating sa bansa.
Isa namang Nigerian national ang isang kaso na galing ng Nigeria on November 30, 2021 via Oman Air with flight number WY 843.
Ang kanyang sample ay nakolekta noong December 6, 2021 at Dec.7 din nailabas ang positibong resulta. Siya ay na-admit at na-isolate sa pasilidad at kasalukuyang asymptomatic.
Tinutukoy na rin ng DOH ang posibleng close contacts sa mga kapwa nila pasahero sa kanilang flights.
Bineberipika ng DOH ang mga resulta ng pagsusuri at katayuan sa kalusugan ng lahat ng mga pasahero ng mga flight na ito upang matukoy kung may iba pang kumpirmadong kaso o mga pasahero na naging symptomatic pagkarating.
Ang mga manlalakbay na dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga flight na ito ay maaaring tumawag sa DOH COVID-19 Hotlines sa (02) 8942 6843 o 1555, o sa kani-kanilang LGUs para iulat ang kanilang status. GENE ADSUARA
-
‘Betting odds pumapabor sa Warriors bilang title favorite sa NBA crown’
NGAYON pa lamang paborito na umano ng maraming mga sports analysts na magkakampeon sa NBA Finals ang Golden State Warriors. Habang itinuturing naman ang Boston Celtics bilang underdog sa pagsisimula ng Game 1 ng Finals sa araw ng Biyernes kaugnay ng kanilang best-of-seven series. Maging sa mga mananaya o mga sugarol […]
-
Plastic barrier sa PUVs, aalisin na – DOTr
Hindi na nire-require ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng plastic barriers sa loob ng mga public utility vehicles (PUVs) bilang dibisyon ng mga pasahero. Ito’y matapos itaas na sa 70% seating capacity ang mga PUV. Ayon kay Transportation Assistant Secretary for road transport Mark Steven Pastor, maaari nang […]
-
NCAA ikakasa na ang Season 97
NAKATAKDANG magpulong ang pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) bukas (Lunes) upang ipinalisa ang lahat ng kakailanganin para sa nakatakdang pagbubukas ng Season 97. Ayon sa mga ulat, nakatakdang magbukas ang NCAA Season 97 sa Marso 26 kasabay ng opening ceremony ng UAAP Season 84 na gaganapin sa Mall of Asia Arena […]