Typhoon Odette ‘mabilis pagtindi’ bago mag-landfall sa Dinagat, Siargao-Bucas Grande Islands
- Published on December 17, 2021
- by @peoplesbalita
Sumasailalim ngayon sa mabilis na paglakas ang Typhoon Odette habang kumikilos ito sa kalugaran ng Dinagat Islands at Bucas Grande Islands.
Natagpuan ang mata ng bagyo 265 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte bandang 7 a.m. ng Huwebes.
- Lakas ng hangin: aabot ng hanggang 165 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: aabot hanggang 205 kilometro kada oras
- Direksyon: kanluran hilagangkanluran
- Bilis ng pagkilos: 25 kilometro kada oras
Posibleng tumama sa kauna-unahang pagkakataon ang bagyo sa lupa sa anumang bahagi ng sumusunod na mga lugar ngayong tanghali o hapon:
- Dinagat Islands
- Siargao-Bucas Grande Islands
- hilagang bahagi ng Surigao del Sur
“Typhoon ‘ODETTE’ is forecast to continue intensifying until it makes landfall this afternoon. Considering the recent trend in its intensification, the typhoon may reach a pre-landfall peak intensity of 175 to 195 km/h prior to landfall,” ayon pa sa pahayag ng state weather bureau.
“Afterwards, the center of ‘ODETTE’ will move westward and cross several provinces in Central and Western Visayas regions before emerging over the Sulu Sea tomorrow morning.”
Bagama’t nakikitang hihina nang bahagya si “Odette” sa pagtawid nito sa hilagangsilangang MIndanao, Visayas at Palawan, tinatayang mananatili ito sa typhoon category.
Malaki naman ang tiyansa na lumakas itong uli oras na lumitaw ito sa West Philippine Sea.
“However, weakening may ensue beginning Sunday as the typhoon becomes exposed to increasing vertical wind shear and the surge of the Northeast Monsoon,” dagdag pa ng PAGASA.
-
Alert Level 3 para sa NCR may ‘good chance’, – Sec. Roque
HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng Covid -19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3, stage ang bagong coronavirus (COVID-19) response system na ikinasa sa rehiyon. Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon. […]
-
Higit 700 healthcare workers kailangan para sa Metro Manila
Mahigit 700 ang bakanteng trabaho para sa mga healthcare workers sa Metro Manila, ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega. Ayon kay Vega, nasa 3,500 trabaho ang binuksan kamakailan sa Metro Manila, pero mayroon pa rin aniyang 22 percent na bakante. Yung kinakailangan aniya nilang healthcare workers ay para sa […]
-
Transport Group na Piston aangkas sa transport strike ng Manibela
IPINAHAYAG ng militanteng transport na Pinagkaisang Tsuper at Operator Nationwide o Piston na plano nitong makilahok sa tatlong araw na transport strike na ikinasa ng Manibela ngayong linggo. Sabi ni Piston National President Mody Floranda, umaasa siyang makakausap si Manibela chairman Mar Valbuena upang plantsahin ang kanilang susunod na plano. Ito […]