• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30 ilalaan ang oras at panahon sa pamilya sa oras na magtapos ang termino sa 2022— Nograles

MATAPOS ang apat na dekada sa public service, pormal na magreretiro na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pulitika.

 

Sa katunayan ay umatras na rin ito na tumakbo sa pagka-senador sa pamamagitan ng pagwi-withdraw ng kanyang Certificate of Candidacy (COC).

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ilalaan ng Pangulo ang kanyang oras at panahon sa kanyang pamilya at i-enjoy ang pribilehiyo bilang private citizen.

 

Giit ni Nograles, personal decision ng Pangulo ang pag-atras nito na tumakbo sa pagka-senador kasunod ng pag-atras naman sa presidential race ni Senador Christopher “Bong” Go.

 

“Siyempre, as a retired government worker siya po ay babalik sa kanyang private life and spend time with his family,”ayon kay Nograles.

 

Itinanggi naman ni Nograles na ang desisyon ng Pangulo na umatras na tumakbo sa pagka-senador ay para lituhin ang publiko at mga kandidato.

 

Sa katunayan, ang mga supporters, political parties, at maging ang mga politicians mula sa iba’t ibang partido ay kinukumbinsi ang Chief Executive na tumakbo at ipagpatuloy ang kanyang pagseserbisyo sa mga tao.

 

“Even after he filed, di ba maraming mga kandidato , political parties are already endorsing him for Senate. So, marami talaga, nandoon iyong pressure na gusto nila magpatuloy si Pangulong Duterte but at the end of the day, it is always personal choice for any who runs or files candidacy in whatever position,” ayon kay Nograles.

 

At dahil ngayon aniya na hindi na kailangang sumama ang Pangulo sa campaign trail, opisyal na magsisimula sa Pebrero ay makakapag-focus na aniya ang Pangulo sa COVID response.

 

“He can focus more on safely reopening our economy, he can focus more on continuing, if not stepping up more of the public service,” dagdag na pahayag nito.

 

“Lahat ng pagbabago, lahat ng mga magagandang programa na nasimulan niya ay kaya na niyang, mas lalo pa niyang masigurado na, these are all put in place and implemented towards the end of his term as president,”aniya pa rin.

 

Nais din aniya ng Pangulo na “we will have peaceful, transparent, and fair elections this coming May 2022.”

 

Samantala, makabubuting hintayin ng publiko kung sino ang ie-endorso ng Pangulo bilang kanyang successor. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 11, 2024

  • HIGIT 100 PAMILYA APEKTADO NG DEMOLISYON SA TONDO

    ITINULOY pa din ang pagdemolish sa kabila ng kahilingan ng Office of the City Legal Office sa Maynila na ipagpaliban ang pagpapagiba sa higit 60 istraktura na nakatirik sa pagmamay-ari ng isang pribadong kumpanya, makaraang basbasan ng kinatawan ng City Engineering Office sa Tondo.     Ayon kay Engr. Ed Balayan, building inspector, binigyan nila […]

  • 4 drug suspects timbog sa halos P1M droga sa Caloocan

    KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng halos P1 milyong halaga ng droga nang maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) matapos ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y […]