• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: 143 social tourist port ang nakumpleto

May 143 na social at tourism port projects ang natapos ng gawin ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng benipisyo sa mga coastal communities, mangingisda at turista sa buong bansa.

 

 

Ang nasabing proyekto ay isa sa mga highlights ng administasyong Duterte na naglalayon na magbibigay ng equitable growth at development sa bansa lalo na sa mga malalayong lugar sa pamamagitan ng mga naitayong mga daungan.

 

 

“President Duterte said the growth and development of the economy should not be limited to big areas. A convenient and comfortable life should be attained, especially in areas which have been neglected and forgotten,” wika ni DOTr Secretary Tugade.

 

 

Ang 143 na seaport projects ay ang mga ginawa at tinayong bago at modernized social at tourism ports habang ang iba naman ports ay inaayos at pinalalaki ang dati nang mga daungan upang masiguro na mas madaling puntahan ng mga mangingisda at turista ang mga coastal communities sa bansa.

 

 

“The projects address the needs of coastal communities and fishers with better port facilities as well as improve the country’s connectivity and mobility needs,” dagdag ni Tugade.

 

 

Sa ngayon, ang DOTr at Philippine Ports Authority (PPA) ay may kabuohang 484 na seaport projects sa buong bansa ang natapos na at nakapagbigay ng 3, 871 na trabaho sa mga Filipino.  Mayron pa rin na 100 na iba pang seaport projects ang ginagawa sa kasalukuyan.

 

 

Kasama sa proyekto ang Zamboanga Port na nagkaron ng inagurasyon noong nakaraang December 2 habang tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang Passenger Terminal Building. Ang bagong PTB ay makakapaglaman ng may 4,500 na pasahero mula sa dating 800 na pasahero lamang. LASACMAR

Other News
  • Enrollment para sa SY 2023-2024, nananatiling mababa-DepEd

    NANANATILING mababa ang enrollment para sa kasalukuyang school year.        Base ito sa pinakabagong data mula sa Department of Education (DepEd).       “As of Friday, Sept. 15,”  makikita sa data  mula sa  Learner Information System (LIS) para sa school year 2023-2024 na umabot pa lamang sa 26,895,079  ang  kabuuang  bilang ng registered students […]

  • JAB TO JOBS: SOLUSYON PARA MAKABANGON SA PANDEMYA – MARCOS

    NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas mabilis na makababangon ang bansa kung ganap na mauunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa Covid-19 para makamit ang ‘herd immunity’, na siya namang magbibigay daan sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya .     Sa panayam kay Marcos […]

  • Ads May 30, 2023