2 drug pushers timbog sa P408K shabu
- Published on November 7, 2020
- by @peoplesbalita
AABOT sa 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga sa mahigit P.4 milyon ang nakumpiska ng pulisya mula sa dalawang umano’y notoryus drug pushers sa buy- bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dahil dito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang Caloocan City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior sa matagumpay na buy- bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Michael Mendoza alyas “Buthoy”, 38 at kanyang pinsan na si Roberto Mendoza, 58, kapwa ng Waling- Waling St., Brgy. 187, Tala.
Ayon kay Gen. Ylagan, nakatanggap ng tip mula sa kanilang impormante si SDEU Deputy chief P/Capt. Deo Cabildo hinggil sa illegal drug operation ng mga suspek sa North Caloocan kung saan direkta niya itong inulat kay P/ Lt. Col. Ilustre Mendoza, officer-in-charge ng Caloocan city police.
Dakong 10:40 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni Capt. Cabildo ang buy-bust operation San Roque Street, Brgy. 187 Tala na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nasamsam sa mga suspek ang 60 gramo ng shabu na may standard drug price P408,000.00 ang halaga at marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at pitong piraso boodle money.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
PBBM sa mga botante, pumili ng kandidato na patuloy na magtatrabaho para sa Pinas
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga botante na pumili ng kandidato na ipagpapatuloy ang trabaho at serbisyo para sa bansa. “Magkaisa po tayo at mamili po tayo ng alam natin na tuloy-tuloy magtratrabaho,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa campaign rally ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas. Sinabi […]
-
DI-KWALIPIKADO NA KANDIDATO, MAAARING MAPALITAN BAGO HALALAN
MAAARI umanong palitan ang isang kandidato na madidiskwalipika bago ang halalan. Ito ang paglilinaw Comelec Senior Commissioner Rowena Guanzon, kaugnay sa ginawang pagbasura ng Comelec Second Division ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa Eleksyon 2022 dahil sa kawalan ng merito. […]
-
Philippines bets may 2 golds sa Asian Open
HUMATAW ang national muaythai team ng dalawang gintong medalya sa 2024 IFMA Asian Open Invitational Cup na ginanap sa Taipei, Taiwan. Inihayag ng Muaythai Association of the Philippines (MAP) ang panalo nina Ejay Galendez at Floryvic Montero na parehong umani ng gintong medalya sa kani-kanyang dibisyon. Namayagpag si Galendez sa men’s under-23 […]