• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 100-K indibidwal isinailalim sa pre-emptive evacuation sa ‘Bagyong Odette’ – NDRRMC

Nasa 26,430 pamilya o 98,091 indibidwal na ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong “Odette” mula sa apat na rehiyon.

 

 

Ayon kay NDRRMC Operations Center Chief Jomar Perez, pinakamarami sa mga ito ay ang mula sa CARAGA region na bumibilang ng mahigit 78,000 kasunod ang Region 8 na nasa mahigit 17,000; Region 7 na mahigit 2 libo; at Region 10 na nasa 300.

 

 

Sinabi ni Perez nagpapatuloy aniya sa ngayon ang paglilikas ng mga apektadong residente na bolunyaryo namang sumasama at kasalukuyang nanunuluyan sa 99 evacuation centers.

 

 

Iniulat ni Perez, sa ngayon dalawang road sections ang apektado at 59 seaports ang apektado.

 

 

Dalawang siyudad din ang nakakaranas ng power outages.

 

 

May natanggap na rin ang NDRRMC na report hinggil sa isinasagawang search and rescue operation sa ilang mga lugar na tinumbok ng Bagyong Odette.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Office of Civil Defense Deputy Administrator Asec Casiano Monilla na sapat ang bilang ng mga evacuation centers para masiguro ang physical distancing ng mga evacuees.

 

 

Paliwanag ni Monilla, maaga palang ay tinukoy na ng NDRRMC at mga LGU ang mga karagdagang pasilidad na maaring gamitin bilang evacuation at quarantine center, at may itinakdang maximum capacity para sa mga ito.

 

 

Dagdag pa ni Monilla, mga miyembro Lang ng iisang pamilya ang pinapayagang magsama sama sa isang tent o cubicle sa mga evacuation center bilang bahagi ng health protocols. (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 11, 2022

  • Westbrook: ‘Gagalingan ko ang pag-asiste sa laro ni Anthony Davis’

    Tiniyak ni Russell Westbrook na mas matindi ang ibibigay niyang suporta sa big man ng Lakers na si Anthony Davis.     Ginawa ni Westbrook ang pahayag matapos ang kanilang first official practice.     Ipinagmalaki ni Westbrook na walang katulad si Davis sa NBA ngayon na maraming nagagawa ang size nito.     Kaya […]

  • Bagong billing sa kuryente, hintayin muna

    Pinayuhan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang consumers na hintayin ang bagong electricity bill ng Manila Electric Co. (Meralco) na base sa kanilang aktuwal na power consumption bago ito bayaran at isantabi ang nakalipas na billings na ibinase lamang sa estimates.   Ang pahayag ni Velasco ay kasunod na rin sa paniniguro ni Victor […]