7 close contacts ng 2 Omicron cases, negatibo sa COVID-19
- Published on December 18, 2021
- by @peoplesbalita
Negatibo sa COVID-19 ang pito sa walong natukoy na close contacts ng dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.
Sinabi ni Health Underscretary Maria Rosario Vergeire na agad na isinailalim sa COVID-19 test ang pito na may negatibong resulta.
Nabatid na ang 48-anyos na ‘returning Filipino’ mula sa Japan ay nagkaroon lamang ng isang close contact habang sakay ng Philippine Airlines flight PR 0427.
“Close contact had a negative RT-PCR released last December 4 based on the arrival line list. You may be wondering why there is only one close contact for our 48-year-old male from Japan. It was because he was seated in a business class, and it was just one passenger with him in this business class section,” paliwanag ni Vergeire.
Ang 37-anyos na Nigerian national naman na mula sa Nigeria ay may pitong close contacts habang sakay ng Oman Air flight number WY 843.
Anim sa kanila ay napalabas na ng quarantine makaraang magnegatibo sa test habang biniberepika pa ang isa.
“The reason why there were just seven close contacts is because the foreign national sat at the very end of the plane so we only counted those in front of him and on his side,” ani Vergeire.
Ipinaliwanag ni Vergeire na hindi lahat ng kasamahang pasahero ay ikinukunsidera na ‘close contacts’. Lahat naman umano ng mga pasahero ay isinailalim muna sa quarantine at ang mga nagnegatibo sa test ang napapalabas ng isolation. (Daris Jose)
-
Ads November 25, 2021
-
“Venom” Is Back With A Vengeance, Sink Your Teeth Into The First Trailer For Sequel “Let There Be Carnage”
VENOM is back, with a vengeance! Sink your teeth into the first official Venom: Let There Be Carnage trailer which has just been released by Columbia Pictures. The upcoming Spider-Man spinoff film is the sequel to 2018’s Venom. Watch the trailer below: YouTube: https://youtu.be/QDcJShzg6HI Following the success of the first film, Sony […]
-
Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19
NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine. Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta. Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine. […]