• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela

KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas “Bimboy”, 24, ng Dagat-dagatan Brgy. Longos at Mary Berjolie Vicente alyas “Em”, 18 ng Purok 6, Dulong Hernandez, Brgy. Catmon.

 

 

Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Hasa-Hasa St., Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang police poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 7.80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P53,040, buy bust money at cellphone.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa pamumuno ni PLT Joel Madregalejo si Antonio Doon sa buy bust operation sa Sugar St., Llenado Subd., Brgy. Karuhatan dakong alas-3:30 ng madaling araw.

 

 

Nakuha sa kanya ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu, P500 buy bust money, P300 cash, cellphone at pouch.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Navotas LGU nagbigay ng mga lambat sa mangingisdang Navoteños

    IBA’T IBANG lambat ang ipinamigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga rehistradong may-ari ng bangkang pangisda sa pamamagitan ng Handog Lambat Program nito.     Umabot sa 649 na maliliit na mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng 200-meter mesh na lambat sa walong magkakaibang laki na maaari nilang gamitin sa paghuhuli ng iba’t ibang uri […]

  • 450 solo parents tumanggap ng cash aid

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng panibagong tulong pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.     May 450 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong-apply at na-renew na solo parent identification card.     Kasama sa ikaapat na batch ng […]

  • Hanga sa pagiging versatile actor… RHIAN, matagal na palang gustong makasama sa movie si PAOLO

    ANG bagong Marikit Artist Management na ang nangangalaga sa showbiz career ng young actress na si Barbara Miguel.   Pag-aari ni Joseph “Jojo” Aleta na dati ring may mataas na puwesto sa GMA bago nagdesisyong magtayo ng sarili niyang talent agency dahil wala na nga si Barbara sa GMA, paano kung may makukuha si Joseph na […]