• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Evacuees kay ‘Odette’ tinututukan vs COVID-19

Nagbabala ang health expert na si Dr. Tony Leachon sa posibilidad na kumalat ang COVID-19 sa Visayas at Mindanao dahil sa pagsisiksikan ng mga nasalantang pamilya sa mga evacuation centers.

 

 

Ipinaalala ni Leachon, dating tagapayo ng gobyerno sa COVID-19, na importante na ma-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette sa mga darating na linggo lalo na at mababa pa rin ang vaccination rate dito.

 

 

Kasunod ito ng pag-amin ni Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje na naging mababa ang resulta ng National Vaccination Day dahil sa bagyo.

 

 

Sinabi niya na nasa kabuuang 2,361,216 doses o 31 porsyento ng pitong milyong target lamang ang naabot mula Disyembre 15 hanggang17.

 

 

“Ang 3 araw ay naapek­tuhan ng ating bagyo. In some regions, maganda ang kanilang turnout,” ayon kay Cabotaje.

Other News
  • KC, nagpasalamat sa GMA Network sa paglabas ng article sa kanyang jewelry business; posibleng makapag-guest sa ibang shows

    NAGPASALAMAT si KC Concepcion sa GMA Network matapos lumabas sa isang article nila ang tungkol sa pagiging solo entrepreneur ng actress sa kanyang jewelry business, na siya lamang mag-isa ang gumagawa ng mahirap na trabaho.      In this way nagawa raw niyang tulungan ang ibang taong nangangailangan.     Sa Instagram post ni KC: […]

  • Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

    HINIMOK ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa.         Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng […]

  • Ads May 13, 2021