• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WINWYN, masayang inamin na totoong buntis dahil hirap nang mag-lie; identity ng non-showbiz bf secret pa

AFTER umugong ang tsismis na buntis ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez, ang kanyang pag-amin ang inaabangan ng press.

 

 

Nangyari ang pag-amin sa presscon ng kanyang launching film.

 

 

“I am pregnant… Ang hirap din namang itago. I am actually in my second trimester. Medyo kabado kasi medyo hindi ako lumalabas masyado,” sabi ng 29-year-old actress sa grand presscon Nelia na official entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.

 

 

Tungkol naman sa kanyang non-showbiz boyfriend, “He’s just a private person. May part naman na amin lang. Pero happy kami na we’re blessed for something we’re grateful for.

 

 

“Happy ako na finally nasabi ko na sa inyo… Ang hirap mag-lie.”

 

 

Masaya si Winwyn na positive ang reaction ng mga tao sa kanyang pregnancy at marami ang excited that she will be a mother soon.

 

 

Kwento pa ni Winwyn, naiyak ang parents niya na sina Alma Moreno at Joey Marquez. Sabi pa niya, matagal na raw siyang sinabihan ng kanyang daddy na gusto na nitong magkaroon ng apo.

 

 

Tinatanong pa nga ni Winwyn kung totoo ba ang kasabihan na may hatid na suwerte ang pagbubuntis. Siyempre gusto niya na maging successful ang Nelia.

 

 

Inamin nga niya na nape-pressure siya dahil alam niyang nakasalalay sa kanyang mga balikat ang success ng movie at mataas ang expectations ng mga tao sa kanya because she is the lead actress ng Nelia.

 

 

Pero gusto rin bigyan ng credit ni Winwyn ang kanyang co-stars na sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Shido Roxas, Janah Javier, Juan Carlos Galano at Lloyd Samartino dahil sa ibinigay nilang suporta sa kanya.

 

 

Nelia is directed by Lester Dimaranan and produced by A & Q Film Productions nina Atty. Aldwin Alegre at Melanie Honey Quino.

 

 

***

 

 

TAMA ang sinabi ni Direk Jun Robles Lana na may ‘K’ or karapatan na manalo ng Best Actor si Christian Bables for his performance sa Big Night.

 

 

Umaapaw sa galing si Christian. After watching Big Night sa press preview, wala kaming maisip na ibang actor na kayang gumanap sa papel ni Dharna kundi si Christian. He was consistently good from start to finish.

 

 

At mahirap ang role niya as the gay beautician na napasama ang pangalan sa watch list and he needs 24 hours para malinis ang kanyang pangalan.

 

 

Matapang ang pelikula dahil it mirrors the events  sa ating society ngayon kung saan parang naging indifferent na tayo sa mga nagaganap sa ating paligid.

 

 

Bawat karakter sa movie as portrayed by Eugene Domingo, John Arcilla, Janice de Belen, Gina Alajar, Soliman Cruz, Nico Antonio, at si Christian represents someone in society na naging apathetic na sa nangyayari sa ating surroundings.

 

 

Mahusay ang ensemble acting at topnotch ang production values. Congratulations sa buong cast at sa mahusay na director.

 

 

***

 

 

MATAGAL nang gustong makatrabaho ni Janice de Belen si Direk Jun Lana.

 

 

Finally, natupad na rin ito sa Big Night, na entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.

 

 

Kwela ang role ni Janice bilang komadrona na nagpapaanak kahit wala siyang lisensiya. Nakakatawa ang eksena na nagpapaanak siya ng dalawang buntis habang nilalandi naman ni Christian Bables ang asawa ng isang misis.

 

 

Hindi raw akalain ni Janice na ganoon ang kalalabasan ng eksena pero tawang-tawa siya when she read the script.

 

 

At dahil sinabi ni Direk Jun Lana na may sequel ang Big Night, agad tinanong ni Janice kung kasali siya rito. Sumagot naman ng yes si Direk Jun.

 

 

Tiyak na mapapansin si Janice ng MMFF jurors, pati na rin ang ibang co-stars niya sa film, dahil sa husay nilang lahat.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Black box mula sa bumagsak na eroplano sa Indonesia, narekober ng mga otoridad

    Kumpiyansang umano ang mga navy drivers na mari-retrieve nila ang dalawang flight recorders sa bumagsak na pampasaherong eroplano sa Indonesia sa tulong ng mga narekober na black boxes.   Magugunita na biglang nawala sa radar ang Sriwijaya Air Boeing 737 noong Sabado na patungo sana sa Borneo. Lulan ng naturang eroplano ang 62 katao kung […]

  • Pinas, hindi lang nag-iisang bansa na nagpapatupad ng lockdown

    HINDI lang ang Pilipinas ang nasa ilalim at nagpapatupad ngayon ng lockdown.   Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.   Aniya, ang iba pang bansa na nagpapatupad ng lockdown para mapigil ang pagkalat ng Covid-19 at mapigil na bumagsak ang healthcare systems ay Ukraine, […]

  • Sa kanto: Ang ‘No loading and Unloading’ zones at mga pasaway na driver at pasahero

    MADALAS sa jeep o bus, ang mga bumababang pasahero ang sasabihin pag pumara ay “mama sa kanto lang”. Makikita rin natin na madalas nakaparada ang mga jeep na ito sa kanto dahil nandun ang mga pasahero.   May mga tricycle din na ang terminal ay sa mga kanto. Resulta – dagdag sa gipit sa trapiko! […]