• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Hangin ni Odette, mala-washing machine’

Mistulang ikot ng washing machine ang hangin ng Bagyong Odette.

 

 

Ito ang pagsasalarawan ni Jeffrey Crisostomo, public information chief ng Dinagat Islands nang hambalusin ni Odette ang lalawigan.

 

 

“Para siyang washing machine na paikot ka. ‘Di mo alam kung saan ka tatakbo kung matamaan ka ng ganu’ng klaseng hangin,” ani Crisostomo.

 

 

Kasunod nito, sinabi ni Crisostomo na 10 katao ang iniwang patay ni Odette habang nasa 90 hanggang 95 porsiyento naman ang mga bahay ang winasak.

 

 

Tinatayang nasa 128,000 katao ang naapektuhan.

 

 

Ang Dinagat Island ang ikalawang binayo ni Odette noong Huwebes matapos ang pananalasa sa Siargao Island.

 

 

Ayon kay Crisostomo, kailangan ng Dinagat Islands ng malinis na tubig at pagkain.

 

 

Sinisikap din nilang maibalik ang linya ng komunikasyon at kuryente sa Dinagat Islands upang mas maging madali at mabilis ang pagtugon at koordinasyon ng tulong sa mga nasalanta. (Daris Jose)

Other News
  • Sikat na Tumbungan sa Tondo, dinala ni Yorme sa BGC

    SINO ang mag-aakala na puwede palang ilipat ang Tondo sa lugar na tirahan ng mga burgis, na may nagtatayugang gusaling pang-komersiyo at condominium gaya ng Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City?     Ang alam kasi ng marami, kapag nabanggit ang Tondo, lugar ito ng iba’t ibang klase ng tao, may mayaman, mahirap, edukado, […]

  • Paras at Nabong kinuha ng Blackwater

    Nakuha ng Blackwater sina Andre Paras at Kelly Nabong bilang bagong player sa pagsisimula ng bagong season ng PBA.     Ayon kay Blackwater team owner Dioceldo Sy na pumirma ng dalawang taon na kontrata si Paras sa halagang P3-milyon sa koponan.     Nakita ni Sy ang talento ni Paras sa basketball at umaasa […]

  • Celtics inagaw ang No. 1 seed sa East

    SA ISANG  iglap ay napasakamay ng Celtics ang No. 1 spot sa Eastern Conference.     Humataw si Jayson Tatum ng 34 points at nag­lista si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Boston (47-28) sa 134-112 pagdakma sa Minnesota Timberwolves (43-33).     Ito ang ikaanim na sunod na arangkada […]