• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, ipinag-utos sa mga gov’t agencies na gamitin ang quick response funds

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang kanilang quick response funds (QRF) para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Odette.

 

Sinabi ni Senator Bong Go na nag-request din ang Pangulo ng karagdagang pondo para sa mga government offices na humahawak ng disaster response upang kaagad na maibalik ang normal na pamumuhay ng mga naapektuhan matapos ang matinding paghagupit ng bagyong Odette na nag-iwan ng matinding pinsala sa ilang lugar sa bansa noong nakaraang linggo.

 

Sinasabing si bagyong Odette, na may international name na Rai, ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa ngayong taon.

 

“Nagbigay din ng dagdag na direktiba si Pangulong Duterte sa mga ahensya, katulad ng paggamit ng mga Quick Response Funds nila; pagbibigay ng housing assistance, including provision of housing materials for repair of damaged houses; tulong para sa nasirang mga bangka ng mga mangingisda at iba pang agricultural machineries; repair ng mga nasirang gusali, tulay, paliparan, daungan, kalsada at iba pa,” ayon kay Go.

 

Maliban dito, ipinag-utos din ng Pangulo ang paghahanda ng community tents na magsisilbi bilang pansamantalang evacuation centers; at maging ang karagdagang pagkain, tubig at gamot para sa mga naapektuhan ng bagyo.

 

“Inihanda na rin ang MARINA, Philippine Navy, Coast Guard, Army, Air Force at iba pang frontliners para tumulong sa rescue and recovery operations at masigurong makakarating ang mga relief items, equipment at essential personnel sa mga apektadong lugar,” ayon kay Go.

 

“Naka-deploy na rin ang mga available vessels tulad ng ‘BRP Ang Pangulo’ para magsilbing floating hospital sa Dinagat Islands at Siargao Island. Magpapadala rin kaagad ang DOH (Department of Health) ng dagdag na mga gamot, medical equipment at health personnel para maalagaan ang kalusugan ng evacuees,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, nakatakda namang bisitahin ni Pangulong Duterte ang Negros Occidental para personal na tingnan ang sitwasyon sa lalawigan. (Daris Jose)

Other News
  • Star-studed ang line-up of guests ng singer-songwriter: JUAN KARLOS, makakasama ang mga kapwa OPM stars sa first solo concert

    NAGHAHANDA na ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo, na kilala din bilang si juan karlos, para sa isang importanteng yugto sa kanyang karera na mangyayari sa SM Mall of Asia Arena sa darating na Nobyembre 29, sa kanyang first major concert na ‘juan karlos LIVE.’   Sa ilalin ng stage direction ni Paolo Valenciano […]

  • Request sa GMA na pagsamahin uli sa serye: Nabubuong loveteam nina BARBIE at DAVID, tanggap ng mga netizens

    ACCEPTED ng mga netizens ang nabubuong love team nina Barbie Forteza at David Licauco, at sila pa ang nagbuo ng Team FiLay sa historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra.”       Open din sa mga fans ang real love story nina Barbie at sa boyfriend nitong si Jak Roberto. Si David naman ay […]

  • SYLVIA, napagod nang husto kay ‘Barang’ kaya pahinga muna sa pagtanggap ng serye; aminadong tutol sa pagpasok ni ARJO sa politika

    SOBRANG napagod si Sylvia Sanchez sa pagganap niya bilang ‘Barang’ sa Huwag Kang Mangamba kaya ang plano niya ay magpahinga muna ng six months to one year bago tumanggap ng bagong teleserye.     “I liked the role kaya ko ito tinanggap and I am very thankful to Dreamscape for giving me this role kasi sobrang […]