• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron sumira sa pagtatapos na sana ng COVID-19 ayon sa WHO

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na kung hindi lang lumabas ang Omicron coronavirus variant ay tapos na ang pagdurusa ng mundo sa COVID-19.

 

 

Ayon kay WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus na dahi sa pagkakadiskubre ng Omicron sa Africa noong Nobyembre ay naantala ang matagal ng pangarap ng mga bansa na tapusin na ang COVID-19.

 

 

Pinayuhan niya ang karamihan na para makabalik sa normal ay kailangan ay maprotektahan ang sarili laban sa bagong kaso.

 

 

Kung maari aniya na ipagpaliban ang mga kasiyahan kahit na hindi gaanong mapaminsala ang Omicron subalit ito ay mabilis ang paghahawa nito.

 

 

Nararapat ngayon ay nakatutok ang lahat sa pagtatapos ng pandemic at para mangyari ito ay dapat ay magpabakuna, magsuot ng face mask at ipatupad ang physical distancing.

Other News
  • Bakuna sa COVID-19 libre lang sa mahihirap

    PINAKAMAHIHIRAP lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna sa COVID-19 at dapat magbayad ang mga may pera.   “Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may-kaya naman po ay makakabili rin ‘no,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.   Pero […]

  • Leader ng “Ompong Drug Group” nalambat sa buy bust sa Navotas

    MAHIGIT sa P1.2 milyon halaga ng ilegal na droga at baril ang nasamsam ng mga awtoridad sa leader ng isang “notoryus drug group” matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rodolfo Reyes alyas “Ompong”, […]

  • Administrasyong PBBM, maglulunsad ng media at information literacy campaign

    MAGLULUNSAD ang administrasyon ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ng media at information literacy campaign  habang ang Pilipinas ay pinuputakti ng “disinformation at misinformation.”     Sa idinaos na 14th edition ng International Conference of Information Commissioners, ipinagmalaki  ng Pangulo ang Freedom of Information (FOI) program.     “We also have to highlight that the FOI […]