• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DENNIS at JENNYLYN, in ramdom namigay ng cash gifts sa iba’t-ibang tao bilang pamasko

TIYAK na nagulat at natuwa ang nabigyan ng cash gifts ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado bilang pamasko nila sa kanila. 

 

 

Nai-feature ito ng mag-asawa sa kanilang “After All” youtube vlog. Papunta ang mag-asawa para sa regular check-up ni Jen sa coming baby girl nila ni Dennis, at in random ang mga binigyan nila ng papasko.

 

 

Para hindi sila makilala ng mga binigyan nila, pareho silang naka-face mask.

 

 

First recipient ay isang taho vendor na tinawag ni Dennis sa labas ng bahay nila.  Matapos mapuno ng taho ang malaking coffee mug, ibinigay na ni Dennis ang sobre at dahil umuulan noon, binigyan pa niya ng jacket at rubber shoes si manong na bago umalis ay nagpa-selfie pa sa kanila.

 

 

Nagulat din ang grab rider na nag-deliver ng food nila sa ibinigay ni Dennis.

 

 

Inabutan din ni Dennis ang security guard nila sa village.  Sa labas ng village, isang pamilya na lulan ng kariton ang mga gamit nila ang tinigilan ni Dennis at inabutan.

 

 

Isang lalaki na nakatira sa tricycle kasama ang alagang aso ang sumunod na inabutan ni Dennis. Isang nanay na namamalimos kasama ang tatlong anak. Mag-iinang nakatira sa tabing daan.

 

 

Na-sorpresa rin ang first subscriber nila sa kanilang vlog na nasa abroad na pero ipinadala pa rin nila ang cash gift. Isang lola na naglalakad lamang habang nagbebenta ng mga ready-made dresses at last ang isang lolo na nangangalakal.

 

 

Kita ang happiness sa mukha nina Jen at Dennis pagkatapos nilang mamigay ng Pamasko.

 

 

***

 

 

MARAMI nang naghihintay na mga televiewers sa opening salvo for 2022 ng GMA Network, ang Mano Po Legacy: The Family Fortune. 

 

 

Mula sa big screen, mapapanood na ito ngayon sa primetime TV at may worldwide premiere na sila sa Monday, January 3, 2022, after The World Between Us sa GMA-7.

 

 

Ang first installment of this compelling drama series ay magtatampok sa isang malaking cast na pangungunahan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, sa isang mapanghamong character as Steffy Dy, kasama sina Ms. Sunshine Cruz as her boss, Christine Chan, Ms. Maricel Laxa as Valerie Lim, at si Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, the Matriarch of the Chan family.

 

 

Nasa cast din si David Licauco as Anton Chan, Nikki Co as Jameson Chan, Rob Gomez as Joseph Chan, and Dustin Yu as Kenneth Chan. In special roles sina Almira Muhlach, David Chua, Darwin Yu at Casie Banks.

 

 

***

 

 

  COMEDY Queen Ai Ai delas Alas will cut short her vacation with her husband Gerald Sibayan and children sa North Carolina, dahil bago pa sila umalis papuntang Amerika ay nag-offer na sa kanya ang GMA Network ng isang drama series na pagbibidahan niya.

 

 

Matagal na palang wish ni Ai Ai na makagawa ng isang seryosong serye na hindi siya magpapatawa, kaya naging Christmas gift niya iyon at nag-promise siyang pagbubutihin ang trabaho niya kapag sinimulan na nila ito.

 

 

Kaya labis ang pasasalamat ni Ai Ai sa Diyos sa lahat ng mga biyayang natatanggap niya, sa kabila ng mga pinagdadaanan natin ngayon.   Patuloy pa rin daw siya sa pagdarasal, na matapos na ang pandemya at makabalik na tayong lahat sa normal na pamumuhay, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

 

 

May schedule na ng lock-in taping si Ai Ai at buong cast ng serye, kaya malamang na mid-January, 2022, ay babalik na rin siya sa bansa.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • SECURITY GUARD, 2 PA TIKLO SA P6.9M DROGA SA CALOOCAN

    MAHIGIT P6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong sa drug suspects, kabilang ang 35-anyos na security guard matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcemt Group (PNP-DEG) Chief P/Lt. Col. Richard Ian Ang ang naarestong suspek na si alyas “Sahibad” ng […]

  • Kaya kanselado na ang ilang tour dates ng concert: JUSTIN BIEBER, ni-reveal na nakikipaglaban sa lumalalang ‘Ramsay Hunt Syndrome’

    ANG bagong pelikula ni Lav Diaz na Isang Salaysay ng Karahasang Pilipino ay mag-premiere sa France sa July.       Mag-compete ito sa 33rd Marseille International Film Festival (FIDMarseille), mula July 5 to 11. May international title ito na A Tale of Filipino Violence.       Ang naturang pelikula ay hango sa Palanca […]

  • Football legend Diego Maradona pumanaw na, 60

    Pumanaw na ang football legend na si Diego Maradona sa edad 60.   Ayon sa kampo nito, inatake umano sa puso ang dating Argentina attacking midfielder.   Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan ito dahil sa blood clot sa kaniyang utak ganon din sa pagsasailalim dito sa gamutan dahil sa pagiging lango sa alak.   […]