P8-M halaga ng food packages, tulong ng China sa mga sinalanta ng bagyong Odette
- Published on December 27, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpaabot ng tulong ang China sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 million sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo.
Kabilang na aniya rito ang probinsya ng Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City at Negros Oriental.
Iginiit ni Huang na gagawin ng China ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtulong sa pamahalaan ng Pilipinas sa mga sinalanta ng bagyo kamakailan.
Umaasa raw sila na makakabalik sa kanilang normal na pamumuhay ang mga mga biktima ng bagyo sa lalong madaling panahon.
“Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by Typhoon Odette which has caused massive casualties as well as property loss,” ani Huang.
-
Nude photo ni J.Lo, pinagkaguluhan social media
BREAKING the internet ang nude photo ni Jennifer Lopez na cover ng kanyang new single na “In the Morning.” Nagkagulo sa social media dahil sa hubo’t hubad na photo ni J.Lo! Bago i-drop ang new single, nagpatikim ang 51-year old singer-actress ng teaser video bilang pang-promo. Ang kanyang racy cover ay kuha nina […]
-
Superal nagreyna sa ICTSI
DINISPATSA ni Princess Mary Superal sina Harmie Constantino at Chihiro Ikeda sa birdie sa front nine at ang astig na hamon ni Chanelle Avaricio sa birdie sa 17th para maka-65 at maiposte ang one-stroke win sa kahahambalos na ICTSI Sherwood Ladies Challenge sa Trece Martirez City. May 208 aggregate siya kasama pa ang […]
-
Higit P.4M droga, baril nasabat sa 4 drug suspects sa Caloocan drug bust
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P.4 milyong halaga ng droga at isang baril sa apat drug suspects, kabilang ang isang itinuturing na high value individual (HVI) matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust buy bust operation sa Caloocan City. Ani District Drug Enforcement Unit (DEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Jeraldson […]