• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, pinaigting ang iwas disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon

LUNGSOD NG MALOLOS – Muling pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang kampanya para maiwasan ang disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon.

 

Ani Fernando, may inilinyang gawain ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga Bulakenyo.

 

Kasado na ang Ingat Paputok Campaign Plan ng PCEDO at taunang Oplan Paputok ng PDRRMO kung saan kabilang sa unang isiginawa ng huli ay ang pakikiisa sa motorcade ng Bureau of Fire Protection (BFP) noong Disyembre 15 ng hapon na nagsimula sa Calumpit papuntang Lungsod ng Meycauayan at ang paglalagay ng Ingat Paputok na mga tarpaulin sa pangunguna ng Pyrotechnics Regulatory Board (PRB) at sa pamamagitan ng PCEDO at PGSO sa Biñang at Turo sa Bocaue at sa mga natitira pang munisipalidad sa Bulacan.

 

Inalerto at magbabantay rin sa loob ng 24 oras ang rescue team ng PDRRMO sa Brgy. Turo, Bocaue simula Disyembre 29, 2021 – Enero 2, 2022 habang magkakaloob naman ng medikal na tulong sa harap ng gusali ng Kapitolyo ang ilang rescuers mula alas-8:00 ng umaga hanggang gabi.

 

Isasagawa din ng PDRRMO ang pag-iikot sa buong lalawigan mula Disyembre 29 hanggang 31 upang mamahagi ng mga Ingat Paputok na polyeto.

 

“Batid ko po ang pagnanais ng lahat na magdiwang ng masaya ngayong nalalapit na Kapaskuhan at Bagong Taon ngunit nais ko rin lamang po kayong paalalahanan na maging maingat at responsible tayo upang maiwasan ang anumang disgrasya. Let us celebrate safely, use fireworks responsibly,” ani Fernando.

 

Samantala, nakatakdang mag-inspeksyon sa Disyembre 27 si Fernando sa mga firecracker at pyrotechnics stall sa Bocaue kasama ang PRB, PNP Bulacan Police Office, at media upang alamin kung sumusunod ba ang mga ito sa mga panuntunan.

 

Mahigpit din ang tagubilin ng punong lalawigan na bantayang mabuti ng mga kinauukulan ang pagbebenta ng mga iligal na paputok sa labas ng firecracker zones na mahigpit na ipinagbabawal at may kaparusahan sa ilalim ng batas.

 

“Tayong lahat ay magkapit-bisig, sabay-sabay na salubungin ang Bagong Taon na may pag-asang ipagpapatuloy ang pagbangon sa dagok ng kambal na krisis sa pampublikong kalusugan at ekonomiya dulot ng COVID-19”, ani Fernando.

 

Para sa anumang emergency o sakuna, maaaring tumawag sa 911 o 791-0566 Bulacan Rescue. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Leviste pinupuntirya ang Olympics at SEA Games

    SOBRANG pahirap man, pero masunurin pa rin sa safety guidelines at health protocol ng Inter-Agency Task Force ang equestriane star na si Marie Antoinette ‘Toni’ Leviste at kanyang kabayo sa mga pagsasanay at paghahanda sa planong dalawang ng kompetisyon sa susunod na taon.   Ito ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Japan sa […]

  • Ads September 21, 2021

  • PBBM, ipinag-utos ang QUICK RELIEF ASSISTANCE para sa ‘isolated’ na pamilya sa TANAY, RIZAL

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magbigay ng agarang tulong sa pamilya na hindi maabot ng relief assistance sa Sta. Ines, Tanay bunsod ng hindi madaanang lansangan.         Sa situation briefing sa San Mateo, Rizal ukol sa epekto ng bagyong Carina at Habagat sa lalawigan, […]